^

Pang Movies

Marian pinakamaganda ayon sa US Media

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian pinakamaganda ayon sa US Media
Marian Rivera-Dantes

Mas marami raw naging followers ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes nang lagi siyang naglalabas ng pictures nila ni Zia. Ang cute raw kasing pagmasdan ng mag-ina.

May lumabas namang balita na nag-issue ang The World Around Us ng 10 Most Beautiful Filipina Celebrities according to the US Media at ang number one sa list ay si Marian Rivera. Post pa nila sa Instagram:

“The Kapuso Primetime Queen is also a Facebook royalty with almost 18 million followers – the highest among Filipino celebrities and Top 20 in the world.

She is best known for her roles in Marimar, Amaya, and Dyesebel.”

Pero naiinip na rin ang fans ni Marian na mapanood siya sa teleserye after ng guesting niya sa telefantasyang Encantadia, bukod sa kanyang Sunday variety show niyang Sunday PinaSaya.

Huwag daw mainip dahil ayon sa manager niyang si Rams David ng Triple A for Stars, may inihahanda nang bagong drama series ang GMA for Marian, na malamang mapanood sa second quarter of the year.

Ivan tinapos muna ang pag-aaral sa LA bago sumabak sa showbiz

Aminado si Ivan Dorschner, isa sa leading men ni Barbie Forteza sa romantic-comedy series na Meant To Be na ang kaibigang si James Reid ang kumumbinse sa kanya na bumalik ng Pilipinas at ipagpatuloy ang sinimulan niyang showbiz career na iniwan niya nang bumalik siya sa family niya sa Los Angeles, California. 

Pero tinapos muna ni Ivan ang kan­yang kontrata sa ABS-CBN bago siya umuwi sa LA at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nang ma-meet niya muli si James sa show nito sa LA, pumayag siyang bumalik ng Pilpinas at pagdating dito ay umikot daw siya sa mga may offer sa kanya at sa GMA niya natanggap ang may pinakamagandang offer. Naka-contract na siya sa Kapuso Network for three years at desidido na raw siyang gumawa ng sariling mark sa showbiz. Kaya nagpasalamat siya kay James na alam niyang masaya rin kung nasaan siya ngayon.

Kung matatandaan, nagsimula rin naman sa GMA si James dahil Viva talent naman ito.

“Enjoy po ako sa first project ko sa GMA-7 at madali kaming nakapag-bonding nina Jak (Roberto), Addy (Raz), Ken (Chan) at especially sa aming leading lady si Barbie (Forteza),” sabi ni Ivan noong manood sila ng pilot episode ng Meant To Be na nagsimula nang mapanood pagkatapos ng Alyas Robin Hood.

Gabby nabuko ng asawa

Nakabalik na from his Holiday vacation si Gabby Concepcion with his family sa San Francisco kaya balik-taping na rin siya sa dalawa niyang serye sa GMA-7, ang sitcom na Tsuperhero ni Derrick Monasterio at Ika-6 Na Utos. Pero mas concentrated siya ngayon sa afternoon prime drama niyang Ika-6 Na Utos dahil marami nang nangyayari sa pagitan nila ng asawang si Emma (Sunshine Dizon) nang mabuko na nitong mayroon siyang kabit at niloloko niya as Rome, si Emma.

“Nasa mga eksena na kaming nagpipilit akong magkabalikan kami ni Emma, pero hindi ko naman maiwanan si Georgia (Ryza Cenon),” kuwento ni Gabby. “Abangan na lamang ninyo kung makukum­binsi ko ba si Emma na muli kaming magsama.”

 

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with