^

Pang Movies

Jessy nagmamadali nang pakasal kay Luis!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jessy nagmamadali nang pakasal kay Luis!
Jessy Mendiola at Luis Manzano

Bagama’t ayaw pang tiyakin ni Jessy Mendiola na officially sila na nga ni Luis Manzano, masaya naman niyang binabanggit sa mga interview na makailang beses na niyang na-meet si Lipa Representative Vilma Santos-Recto, ang mommy ni Luis.

Nai-tour na nga raw siya ni Ate Vi sa bahay nito sa Alabang Village sa Muntinlupa City.

Tama ba ang rinig naming na type raw ni Jessy na magpakasal ng maaga? Turning 24 years old na si Jessy ngayong December.

Gaya ni Jessy, busy din si Luis sa paghu-host ng Minute To Win It The Last Man Standing at ang napapanood tuwing Saturday at Sunday na Family Feud.

Tinatapos na ni Jessy ang kanyang mga eksena sa Star Cinema movie na Extra Service. Makakasama niya rito sina Coleen Garcia, Arci Muñoz at ang bagong Kapamilya star na si Enzo Pineda, na dating contract talent ng GMA 7.

Napapanood si Jessy tuwing Linggo sa Banana Sundae, with Angelica Panganiban, Ryan Bang, Jayson Gainza, JC de Vera, Jobert Austria, Pooh, John Pratts and Pokwang, among others.

ABS-CBN is reportedly preparing a soap, where she will act as one of the lead stars.

Kuya Jobert tapos na sa pagiging adik

Hindi idinenay ni Jobert Austria na mas kilala bilang si Kuya Jobert na dati rin siyang tumikim ng bawal na gamot.

At one time pa nga raw, may ginawa siyang malaking iskandalo habang siya ay lulong sa drugs, at naisulat ito sa  maraming newspapers at tabloids.

Pinasasalamatan niya ang Diyos dahil may mga kaibigan siyang tumulong sa kanya para labanan ang kanyang addiction.

Now, he is not just, kumbaga, up and about. Busy pa rin siya with work, since, aside from Banana Sundae, napapanood din siya sa weekly sitcom na Home Sweet Home, kasama sina John Lloyd Cruz, Rico J. Puno, Sandy Andolong, Miles Ocampo at Toni Gonzaga.

Sanggol na 25 minuto nang patay, binuhay

Impressed kami sa isang segment last Sunday ng programang Rated K, hosted by top TV host, Korina Sanchez, kung saan ang na-feature ay isang doktora na successfully ay na-revive ang isang batang babaeng ipinanganak ng kanyang ina na walang buhay.

Twenty five minutes nang medically dead ang pasyente. Pero ewan, ayon sa sumulat ng nabanggit na segment for Rated K na si Karen Israel, kung bakit gustong ipilit ng doktora na buhayin ito.

And successfully the doktora did, using not just her medical know­how but coupled with fervent prayers to the newly proclaimed Saint Teresa of Calcutta.

Dalawang buwan na ang baby ngayon. And not just, wika nga, alive and kicking, kung hindi malusog at masayahin, ayon pa rin kay Karen.

The girl, upon the suggestion ng doctors, is named Teresa, as for short, after Saint Teresa of Calcutta.

Maraming artista nakiisa sa Christmas Bazaar

Maliban pala kina Vivian Velez, Arlene Muhlach at Nadia Montenegro, na siyang organizers ng Celebrity Christmas Bazaar, na magaganap November 12 and 13 at December 3 and 4 sa BF Homes Phase 1 Gym sa Parañaque City, nagpahayag din ng kanilang tulong sina Andi Eigenmann, Janice de Belen, Tirso Cruz III, MJ Lastimosa, Daiana Meneses, ang mag-amang sina Niño at Alonzo Muhlach, pati na ang magkapatid na Ynna and Tanna Asistio.

Walang binanggit kung sino sa mga celebrity na nabanggit ang magkakaroon ng booth sa event. Bagama’t ngayon pa lang ay tiniyak na ni Jay Manalo na magkakaroon siya ng booth at sisiguruhin niya na lahat ng goods na kanyang ibebenta ay affordable.

As already announced nina Vivian, Arlene at Nadia, part of the proceeds ng Christmas Celebrity Bazar na ito ay ido-donate sa Damay Kamay Foundation na ang primary purpose ay makatulong lalo’t sa mga fellow celebrities nila na may matinding pangangaila­ngan.

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with