^

Pang Movies

Kiray nahirapang magbida!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon sa lead star ng pelikulang I Love You To Death na si Kiray Cellis, hindi raw niya ine-expect at hindi rin niya pinangarap na darating ang ganitong pagkakataon na magbibida siya sa pelikula.

Actually, pangalawang pagbibida na ito ni Kiray, ang una ay ang Love is Blind kasama si Derek Ramsay. Naging maganda ang resulta nito sa takilya kaya naman may follow-up movie agad siya, and this time, si Echong Dee naman ang kanyang leading man.

“Actually, nung sa Love is Blind, nung first kong bida, hindi ko pa maramdaman kasi hindi pa siya nagsi-sink-in sa akin. Ganun pala kapag umpisa.

“Pero sa pangalawa, sabi ko, ‘oy, totoo na talaga ‘to, bida na talaga ‘ko’. Hindi ko siya pinangarap, eh, hindi ko rin siya hinintay,” she said.

Dagdag pa niya, sa totoo lang, mahirap din daw na maging bida.

“Kasi, ikaw ‘yung pinaka-late na napa-pack up, ikaw ang unang darating, ikaw ang huling matatapos. Nasanay ako, iko-call time ako, 1pm, tapos na ako ng 5pm, ‘yung isang sequence lang, tapos ka na, kakausapin mo lang ‘yung bida, ‘o, pack-up ka na, Kiray’. Saya!

“Pero ngayon, unti-unti, nakikita mo sila paalis, isa-isa, hindi pa ako tapos pero ako ‘yung pinaka-unang dumating dito.

“Ayun, hindi ko in-expect, eh. Mas maganda kapag hindi mo in-expect. Mas maganda ‘yung bigla na lang siyang kusang darating sa ‘yo,” sey pa ni Kiray.

Aminado rin siyang mas pressured siya dito sa second lead mo­vie niya na by the way ay showing na ngayong July 6, under Regal Films pa rin.

“Kasi, sa una, apat kami do’n, eh (na bida). Ngayon, parang ang liit ng kwarto para sa amin ni Enchong kasi kaming dalawa na lang,” she said.

Jolina game na ulit magbuntis

Ayon kay Jolina Magdangal, ready na rin naman daw siya na masundan ang panganay nilang anak ni Mark Escueta na si Pele. Although, hindi naman daw nila pa napag-uusapan ng mister, alam niyang okay din sa asawa.

Of course, may plano naman daw talaga silang sundan si Pele pero balak daw nila ay late this year or early next year. Pero kung ibibigay naman daw ni Lord agad ay okay lang sa kanya.

Wala naman daw problema kung magbubuntis siya ngayon dahil medyo light lang ang schedule niya. May daily morning show lang siyang Magandang Buhay at every Sunday naman sa ASAP.

Dalawang taon na rin naman si Pele kaya pwedeng-pwede na talagang sundan.

‘Di na marunong makipag-date, Janice walong taon nang tigang 

Eight years na rin palang walang lovelife si Ja­nice de Belen at sa tagal, parang nasanay na raw siya at hindi na naghahangad pa ng panibagong dyowa or boyfriend.

“Iniisip ko nga, hindi ba okay na wala akong lovelife? Pero siyempre, may days na parang malungkot, walang love life. Tapos, may days naman na parang ‘hindi, okay lang ako’. Ganu’n talaga.

“I think generally, it’s okay for me. Why? Siguro, I have always been open about my relationships, saka alam naman natin na medyo hilo ako sa pag-ibig. Alam na natin na nagkaroon ako ng mga moments na parang at some point, nakalimutan ko na dapat love yourself before you love another person. Sakit naman yata ‘yan ng mga umiibig, ‘di ba?

“So ngayon, I’ve been single for the past 8 years already. Ang dami kong na-explore sa buhay ko na alam kong if I had a relationship, baka hindi ko nagawa.

“Ngayon, nae-enjoy kong mag-travel, I look forward to going out of the country and exploring.

“Hindi kasalanan ng ibang tao ‘to ha, kasalanan ko ‘to. Tuwing I’m in a relationship, siyempre, gusto mo lagi mong kasama. So ngayon, parang medyo naisip ko, gusto kong mag-travel. And I enjoy my freedom. Medyo pangit pakinggan, pero medyo selfish na rin ako sa sarili ko,” mahabang paliwanag ni Janice nang makapanayam namin sa taping ng Be My Lady.

Sa sobrang tagal nga raw na wala siyang boyfriend, parang hindi na rin niya alam kung paano makipag-date.

“After 8 years, sobrang dami na ng nagbago when it comes the dating scene, parang hindi ko na rin alam. Pag tinanong nga ako, ‘o, mag-date ka naman’. Paano na ba mag-date ngayon? Hindi ko na alam, eh. Saan ba sila natatagpuan kasi hindi ko na rin alam,” say pa ni Janice na natatawa.

vuukle comment

LORRAINE WARREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with