^

Pang Movies

Hiwalayan ng mag-asawang showbiz, noon pa nagbabadya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi shocking sa akin ang balita na hiwalay na ang isang showbiz couple dahil matagal nang may problema sa relasyon nila.

Saka, naghiwalay na sila dati pero nagkabalikan, alang-alang sa kanilang mga anak pero hindi na talaga nila ma-take ang isa’t isa.

Sa true lang, na-link noon ang aktres sa isang businessman na ibinigay ang lahat ng mga luho niya sa katawan.

Sa kabila ng pakikipagmabutihan ng aktres sa negosyante, pinatawad at tinanggap pa rin siya ng aktor.

Nagsama uli nang matagal ang showbiz couple pero kasabay ng mabilis na takbo ng panahon ang pagbabago ng level ng pagmamahal nila.

Pia wala nang paki sa mga nakaraang lovelife

How true na naging special friend noon ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang current boyfriend ni Sam Pinto?

Ang tsismis na nakarating sa akin, na-hurt nang husto si Pia nang maghiwalay sila ni Misagh Bahadoran na isang football player at member ng Azkals.

I’m sure, naka-move on na si Pia dahil naging close sila ni Misagh noong hindi pa siya Miss Universe.

Naging interesado ang madlang-bayan sa lovelife ni Pia nang mapanalunan nito ang Miss Universe crown noong 2015.

Biglang lumitaw ang mga pangalan nina Misagh, Benjamin Alves at Sam Milby pero dedma na si Pia dahil naka-focus ang atensyon niya sa kanyang reign bilang Miss Universe.

Hindi ako magtataka kung nakaramdam ng panghihinayang ang mga mhin na na-link noon kay Pia. Malay ba naman nila na magiging Miss Universe ang dalaga?

Millionaire’s ni Jaclyn papalitan na

Natsugi na ang karakter ni Robert Arevalo sa The Millionaire’s Wife pero walang dapat panghinayangan ang veteran actor dahil malapit nang matapos ang afternoon drama series ng GMA 7.

Last two weeks na ng The Millionaire’ Wife na tumagal din ng tatlong buwan dahil noong March 14, 2016 ang pilot telecast ng show.

Hindi pa sinasabi ng GMA 7 ang show na ipapalit sa The Millionaire’s Wife. May kutob ang fans na ang Sa Piling Ni Nanay ang mapapanood sa timeslot na mababakante ng drama series na pinagbibidahan nina Andrea Torres, Mike Tan, Sid Lucero at Jaclyn Jose.

Umingay nang husto ang The Millionaire’s Wife nang manalo si Jaclyn na best actress sa Cannes Film Festival. Magaling na aktres si Jaclyn kaya sure ako na may bagong project agad siya pagkatapos ng The Millionaire’s Wife.

Hindi naman mawawalan ng show si Jaclyn dahil napapanood pa rin siya tuwing Huwebes sa bagong sitcom ng GMA 7, ang A1 Ko Sa’Yo.

Miguel mahaba ang exposure sa Good Morning America

Overwhelmed ang bagets actor na si Miguel Tanfelix dahil ang video niya ang ginamit sa promo ng bagong contest ng Good Morning America, ang sikat na morning show sa Amerika.

In fairness sa staff ng Good Morning America, hinanap nila ang kinaroroonan ni Miguel na contract star ng GMA Artists Center.

Nang malaman ng GMA staff ang contact number ng GMAAC, kinausap nila ang handler ni Miguel at nagpaalam na gagamitin sa kanilang show ang Musical.ly video ng young actor.

Of course, hindi tumanggi ang handler ni Miguel dahil magkakaroon ng international exposure ang alaga niya. Ipinalabas noong Lunes sa Good Morning America ang video ni Miguel na tuwang-tuwa dahil sa kanyang mahaba na exposure sa US television.

vuukle comment

FORUM

UNIVERSIDAD DE MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with