^

Pang Movies

Heart laging naaalala ang ama sa mga isda at sirena!

- Vinia Vivar - Pang-masa

May dahilan pala kung bakit mga isda at sirena ang paboritong ipinta ni Heart Evangelista. Ayon sa misis ni Sen. Chiz Escudero, dahil daw naalala niya ang mga masasayang fishing adventure nila ni Daddy Rey Ongpauco niya noong siya ay bata.

“Growing up, I used to go fishing with him kasi gusto niya ng boy (na anak), so ginagawa niya kong boy. So, I’d hike with him, fish with him,” paliwanag ni Heart sa panayam sa mga miyembro ng media.

Ang Oceans Apart exhibit daw niya sa Ayala Museum na gaganapin mula Jan. 30 hanggang Pebrero 10 ay magpapakita ng masasayang childhood memories niya kasama ang ama.

Malapit ang aktres sa kaniyang Daddy Rey kaya naman masayang-masaya siya at lalong nagkakalapit ang kaniyang ama at ang asawang si Chiz.

Kaya naman “I am the happiest” ang naging caption ni Heart sa Instagram sa picture nilang tatlo ng kaniyang Daddy Rey at ni Chiz noong New Year’s Eve.

“I am the happiest. God you are so amazing. I knew it!! #happynewyear2016,” sey ni Heart sa picture kung saan si Chiz at ang kanyang Daddy Rey ay parehong aktong humahalik sa kanyang magkabilang pisngi.

Hindi matiis Coco babalik sa paggawa ng indie

Dream role pala ni Coco Martin ang maging babae at nagkaroon siya ng pagkakataon na magampanan ito sa kanyang primetime hit seryeng Ang Probinsyano.

Sa nakaraang linggong episode ng serye, napanood ng lahat si Coco bilang Paloma na nakabihis at nakaayos-babae.

And in fairness, ang ganda ng feedback. Ang daming nagandahan sa kanya, sa totoo lang.

“Honestly, siguro para sa akin, dream role ‘yan, eh. Sabi ko nga, alam mo ‘yung mga bagay na hindi mo laging magagawa sa bawat proyektong ihahain sa ‘yo or ibibigay sa ‘yo.

“Ngayong nabigyan ako ng pagkakataon para magampanan ko ‘yung ganun’g proyekto, talagang pinaghandaan ko, inaral ko, siyempre, mahirap para sa akin, talagang pinoproseso ko siya, pinag-aaralan ko ang isang babae kung paano gumalaw, tinitingnan ko kung ano ang strength,” pahayag ni Coco.

Natutuwa naman ang King of Primetime sa komentong maganda siya bilang Paloma.

“Actually, sa totoo lang, mas marami pang nagandahan sa akin kaysa naguwapuhan,” sabay-tawa.

For this year, 2016 ay nakaplano na pala ang mga gusto niyang gawin. Isa na rito ay ang makapag-direk.

“’Yun po talaga ang pangarap ko. Kasi, sabi ko nga, siguro ‘yung creativity ko, para mas magawa ko, mas maano ko ‘yung detalye. Kasi ngayon po, sabi ko nga, siguro during the Indie days ko hanggang ngayon po, talagang nag-aaral po ako. Matanong po kasi ako, lalung-lalo na pag nandun ako sa trabaho ko. Very ano ako sa mga detalye.

“Kasi, sabi ko nga po, kung mayroong mag-aalaga at magpo-protekta sa bawat proyektong ginagawa ko, dapat unang-una ako. Kasi ako ‘yung nakaalalam ng. . . sabi ko nga, inaalam ko kung ano ‘yung gusto ng mga taong nanonood sa akin at ‘yun po ang ibinibigay ko sa kanila,” say ni Coco.

For his first directorial job, Indie film daw sana ang gusto niya at mayroon na nga raw siyang concept.

“Sabi ko kasi, sa mundo ng TV, saka sa mainstream, mas una ko pong napuntahan, mas kabisadung-kabisado ko kasi ang Indie kaya sabi ko, siguro, indie film po.”

When asked kung anon’g genre, aniya ay baka raw drama.

“It’s about two brothers,” sey niya.

Of course, he will also be the star of the movie at may naiisip na rin daw siya kung sino ang iba pang cast.

Samantala, bilang pasasalamat sa lahat ng blessings at tagumpay na kanyang natatanggap, nagsimulang mamahagi si Coco ng tulong sa mga nangangailagan at ang una nga niyang dinalaw ay ang mga pamilyang nasunugan noong bagong taon sa Brgy. 155 Zone 14 sa Tondo, Manila.

Bukod sa kasiyahan, nagkaloob din ng mga regalo si Coco na makatutulong sa pamumuhay ng mga residente.

Nakatakda rin siyang lumibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa para makipag-bonding sa kanyang mga fans. Last Saturday (Jan 16) ay tumungo na si Coco sa Cebu Kapamilya Karavan sa Sinulog Festival.

Susunod niya pang destinasyon ang Baguio, Davao, Negros, Dagupan, at Legazpi.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANG OCEANS APART

CHIZ

COCO

DADDY REY

KASI

KUNG

MGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with