^

Pang Movies

4th Impact member, itinulak ng mahaderang kalaban sa X Factor UK

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pumalag ang fans ng Filipina group na 4th Impact nang itulak ang isa sa kanila ng X Factor contestant na si Lauren Murray na binabatikos ngayon dahil sa kamalditahan na ipinakita niya.

Nakunan ng mga TV camera at ng picture ang ginawa ng insecure na si Lauren Murray na akmang yayakapin ng isa sa Cercado Sisters pero itinulak niya.

Nakapasa uli kasi ang 4th Impact sa live show ng The X Factor UK kaya tuwang-tuwa sila nang malaman nila ang desisyon.

Pero inapi ni Murray ang isa sa magkakapatid na yayakap sana sa kanya pero itinulak niya.

Hindi nagsisinungaling ang mga video at litrato ng ginawa ng mahaderang contestant na threatened sa magagaling na Pinay singers.

Huwag tayong magtaka kung matsugi na rin si Murray sa The X Factor UK sa susunod na linggo dahil sa kasamaan ng ugali niya.

Nakakatuwa lang na hindi lamang ang mga Pilipino ang kumokondena sa masamang ugali ni Murray dahil imbyerna rin sa kanya ang mga kababayan niya. Sa itsura pa lang ni Murray, kitang-kita ang kamalditahan na itinatago niya.

I’m sure, naloka si Murray dahil sa resbak sa kanya ng mga Pinoy na ginamit ang social media para kondenahin ang kagagahan niya.

TV host/actor maingat mabukong nanonood ng AlDub

Halata na nanonood ng kalyeserye ng Eat Bulaga ang isang TV host/actor pero naging maingat ito sa pagsasalita dahil talent siya ng ibang television network.

Ang aktor ang host ng isang bonggang event at feel na feel ng audience na updated siya sa mga nangyayari sa kalyeserye ng Eat Bulaga dahil sa kanyang sapat na kaalaman.

Pero playing safe ang TV host/actor. Hindi niya binanggit ang Eat Bulaga sa kanyang spiels dahil masyadong sensitive ang network na kinabibilangan niya sa kalyeserye at AlDub issues.

Friendship nina Erik at AiAi malalim na

Tagumpay ang For the Love of Mama, ang benefit concert na ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena.

Starring sa For the Love of Mama sina AiAi delas Alas, Erik Santos at Alden Richards.

Matalik na magkaibigan sina AiAi at Erik kaya hindi ito nagdalawang-isip na umapir sa benefit concert para sa construction ng simbahan kahit siya lamang ang taga-ABS CBN na kasali sa show.

Dumalo rin si Erik sa recent birthday celebration ni AiAi dahil hindi affected ng network war ang kanilang friendship.

Nabuo ang malalim na friendship nina AiAi at Erik dahil sila ang madalas na magkakasama  sa mga out of the country show. Saksi si AiAi sa love story noon nina Erik at Rufa Mae Quinto.

Alden tumatanaw ng utang na loob kay AiAi

Sinuportahan ni Alden Richards ang For the Love of Mama dahil sa friendship nila ni AiAi delas Alas.

Hindi pa sikat si Alden nang isama siya ni AiAi sa free anniversary concert nito sa SkyDome noong May 2015.

Marunong tumanaw ng utang na loob si Alden at hindi niya malilimutan ang importansya na ibinigay sa kanya ni AiAi noong hindi pa siya superstar.

Naging malalim din ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sila rin ang palaging magkasama sa mga concert ng GMA 7 sa ibang bansa at sa weekly show na Sunday PinaSaya.

vuukle comment

AIAI

ALDEN RICHARDS

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

ERIK

FOR THE LOVE OF MAMA

HINDI

LAUREN MURRAY

NIYA

X FACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with