^

Pang Movies

Dating teen star na si Kim delos Santos, nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pumanaw na ang ama ng dating teen star ng ‘90s na si Kim delos Santos na si Mr. Hormaidas delos Santos noong nakaraang November 17 sa Orange Park, Florida, U.S.A.

Hindi na dinetalye ng former teen actress kung ano ang naging sakit ng kanyang ama. Nag-post na lang ito ng malungkot na mensahe sa kanyang Facebook na  “my daddy is gone…”

Nasundan pa ito ng mas mahabang post noong November 18:

 “Thank you for the love that you have shown me n my family during this tough time. we will miss him terribly...”

Noong November 7 pa inaalagaan ni Kim ang kanyang ama sa isang ospital sa Florida. Lumipad pa si Kim mula New Jersey para makasama ang kanyang ama sa mga huling araw nito.

Kasama ni Kim na nag-alaga sa kanilang ama ay ang kanyang kapatid na lalake, ang dating young actor na si Eddie delos Santos.

 Nagkaroon kami noon na ma-interview si Kim nang huli siyang nagbakasyon sa Pilipinas noong November 2011. Nabanggit na ni Kim noon na may nararamdaman ng mga sakit ang kanyang ama.

Taong 2004 nang talikuran na ni Kim ang showbiz para manirahan sa Amerika kasama ang kanyang ama.

Noong mga panahon na iyon ay hiwalay na sila ng mister niyang si Dino Guevarra. Na-annul ang kanilang kasal noong 2010.

Nagsimula si Kim bilang child actress sa pelikulang Rosenda noong 1989.

Noong maging teenager ito, sinama siya sa cast ng drama series ng GMA-7 at Viva Television na Anna Karenina at sa second batch ng hit youth oriented series na TGIS: Thank God It’s Sabado.

Sa parehong show ay nakasama niya ang tambalan nila Dingdong Dantes and Antoinette Taus; at Polo Raveles at Sunshine Dizon. Kasama rin sa cast ang bata pang si Anne Curtis.

Naging ka-loveteam ni Kim ay si Dino Guevarra at ni-launch ang kanilang loveteam sa pelikulang Ikaw Lamang noong 1999.

Ginawa rin nila ang mga pelikulang Dahil May Isang Ikaw, My Pledge of Love, Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa ‘Yo and Honey, My Love, So Sweet.

Mula sa bumubuo ng PM, ang aming taus-pusong pakikiramay…

Transformation ni Ken Chan, pinagkaguluhan

Pinagkaabalahan ng netizens ang bonggang transformation ni Ken Chan bilang ang mala-dyosang si Destiny Rose.

Agree ang karamihan na maganda ang pag-ayos kay Ken bilang isang babae.

Nagkaroon pa ng debate kung sino ang artistang kamukha ni Ken noong maging babae ito.

May mga nagsasabi na Solenn Heussaff ang da­ting niya. May mga nagpumilit naman na si Heart Evangelista ang lookalike ni Ken.

Meron ding Rachelle Ann Go, Carla Abellana, Ina Raymundo, Shamcey Supsup, Katrina Halili at pangalan ng mga kilalang Korean actresses.

Kahit hirap si Ken bilang isang babae, hindi niya ininda ang init ng wig, ng makapal na make-up, ang mabigat na gown at ang mataas na heels. Pinaghandaan daw niya talaga ito.

Ang beauty queen maker na si Jonas Gaffud ang nag-train kay Ken kung paano lumakad bilang isang mangangabog na beauty queen.

Hollywood actor na umaming HIV positive, hina-hunting na ng mga naka-live in

Kung may mga pumuri sa pag-amin ng Hollywood actor na si Charlie Sheen tungkol sa pagkakaroon niya ng sakit na HIV-positive, meron ding mga backlash na natanggap ang aktor at galing ito sa mga babaeng naka-sex niya na hindi siya gumagamit ng proteksyon.

Isa rito ay ang adult film actress na si Bree Olson na naka-sex si Charlie ng ilang beses na walang gamit na proteksyon.

Gustong malaman ni Bree kung kelan nalaman ni Sheen na meron siyang HIV para magkaroon siya ng peace of mind.

 “It would give me peace of mind for Charlie to say a date,” ayon pa kay Olson na naka-live in ang aktor noong 2011.

Binunyag ni Charlie na na-diagnose siya with HIV-positive noong 2011.

Naghiwalay sila Charlie at Bree noong magsimula ang kanyang Violent Torpedo of Truth tour noong 2011.

 “We should be together on this, like, ‘Charlie, why didn’t you tell?’ That’s all I want from him -- to be a decent human being and to have let us know that this was going on.

 “Charlie, you’re a terrible person. I will never forgive you!” sey pa ni Olson.

Noong araw din na iyon ng interview ni Bree sa Inside Edition, nagpa-HIV test siya at paglabas ng resulta ay negative siya sa naturang sakit.

Pero hindi raw magbabago ang nararamdaman ni Olson para sa aktor na inilihim ang kanyang sakit at nagsinungaling sa media that he was always having protected sex.

    

 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DINO GUEVARRA

KANYANG

LEFT

MGA

NBSP

NOONG

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with