^

Pang Movies

Panganganak ni Marian, false alarm

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

False alarm ang balitang nagsilang na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

May nag-send sa amin ng picture ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na spotted sa admission section ng Makati Medical Center noong Monday evening at inisip na nilang baka raw naka-confine na si Marian doon.

Kumalat kasi agad iyon sa social media. Sa ngayon ay nasa 39th week na ang soon-to-be mom at kaya marami nang excited sa nalalapit niyang pagsisilang kay Baby Letizia.

Pero totoong nasa hospital ang mag-asawa, nagpa-routine blood work daw lamang si Marian na required para sa kanyang pagsisilang. Magdamag nga raw walang ginawa ang manager ni Marian na si Rams David kundi sumagot sa mga tawag tungkol doon.

Alden at Yaya Dub nagkagalit dahil sa aktibistang hacker

Sinundan pa ito ng report naman na na-hack ang Twitter account ni Maine Mendoza aka Yaya Dub kaya sige rin ng pagsagot si Ateng Rams ng mga tanong tungkol doon.

Ipinatsi-check na raw ng TAPE, Inc. sa mga kinauukulan kung sino ang behind sa pangyayaring iyon.  Nagtataka rin ang AlDub Nation kung bakit marami namang celebrities na mas maraming followers, si Maine ay may 2.3 million followers lamang pero ang account pa niya ang na-hack?  Simple lang ang sagot diyan, alam ng nang-hack na malaki ang fan base ni Maine at ng ka-love team nitong si Alden Richards kaya ini-expect nilang papatulan sila.

Nakakaloka lamang na matapos mag-sorry ang hacker group na napadaan daw sila sa Twitter ni Maine, minura-mura naman nila sa isa pang post nila ang AlDub Nation na ano raw ang napapala nila sa AlDub, na inuuna pa nila kaysa sa kinabukasn ng Pilipinas.  Sumagot tuloy ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ano naman ang kinalaman ng AlDub sa gobyerno at sa ipinag­lalaban nila?

Kaya sa ngalan daw ng mga OFWs, nainsulto sila.  Ano raw ba ang akala sa kanila, nagpapakahirap sila sa ibang bansa para manood lamang ng AlDub? Alam ba ng hacker na sa panonood nila ng kalyeserye, napapasaya sila at nakatatanggal ng homesickness nila kahit ilang oras lamang.  Hindi nga raw siguro sila maiintindihan ng mga hacker dahil sarado na ang isipan nila dahil sa ipinaglalaban nila.

Sa kalyeserye tuloy ng Eat Bulaga kahapon nagkaroon ng parang first lover’s quarrel sina Alden at Maine dahil nang dumating sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Yaya Dub, masamang-masama ang loob ni Maine dahil na-hack nga ang social media account niya.

Kahit anong gawing pagpapatawa sa kanya ni Alden, hindi siya mapatawa hanggang sa nagtampo na rin siya kay Maine. Napangaralan tuloy si Yaya ni Lola na dapat ay matuto siyang mag-appreciate ng mga bagay na ginagawa ng ibang tao sa kanya.

May bagong character na papasok sa kal­yeserye, na sabi ni Lola Nidora ay first time lamang dadalaw sa kanilang magkakapatid, ipinakita na ang pagdating nito kaya lamang tumunog na ang busina kaya freeze na ang lahat.  Sino kaya ang dumating na bisita?

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ATENG RAMS

BABY LETIZIA

EAT BULAGA

KAPUSO PRIMETIME KING DINGDONG DANTES

LOLA NIDORA

NBSP

NILA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with