^

Pang Movies

Janice at Karla, may joint birthday celebration!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janice at Karla, may joint birthday celebration!
Karla Estrada at Janice de Belen

Magkasunod ang birthday ng future magbalae na sina Janice de Belen at Karla Estrada. Nauna ang birthday ni Janice noong Nov. 9, at Nov. 21 naman ang birthday ni Karla at para mas masaya ang birthday celebration, nag-decide ang dalawa to celebrate their birthdays together.

Kasama nina Janice at Karla sa kanilang birthday ay kanilang mga anak at sa side ni Janice, si Luigi Muhlach lang ang wala. Sa side ni Karla, kumpleto sila pati ang daughter-in-law niya at apo.

Sa photos na lumabas, ramdam ang saya ng lahat na sama-sama sila sa kaarawan ng kanilang mga ina. Mas sumaya pa dahil may bata (nephew ni Daniel Padilla) na nagpasaya sa okasyon.

Masaya rin ang fans nina Daniel Padilla at Kaila Estrada na makitang okay ang relasyon ng kani-kanyang mother.

Wala raw magiging problema sa kaling ikasal na sina Daniel at Kaila dahil in good terms ang kanilang buong pamilya.

Ang dasal na lang ng fans, magtuluy-tuloy ang saya ng lahat at walang maging kontrabida sa relasyon nina Daniel at Kaila.

Magui, pinagtanggol ni Jhaiho!

Ipinagtanggol ni DJ JhaiHo si Magui Ford sa ipinupukol na cheating issue sa dalaga.

Hindi raw totoo na nag-cheat si Magui sa relasyon nila ni Robbie Jaworski at nakiusap si DJ JhaiHo na hindi dapat paniwalaan ang akusasyon kay Magui. “Andami na naman nagcha-chat sa akin true ba ang chikang break na sina Magui at Robbie? OK. Windang at nakakaloka talaga. Sad lang na agad naniwala at hindi man lang pinakinggan ang side at real story bago humantong sa ganun. In short may nanira at pinaniwalaan. Jusko!

“Kilala ko si Magui mula noon.. kung anuman ang paninira na ginawa sa kanya kay Robbie paglabas ay for sure walang katotohanan. Nakakalurks!”

Wala pang nagsasalita kina Robbie at Magui tungkol sa breakup nila at mas mabuti ‘yun para hindi na lumaki pa ang isyu.

Sa mga nababasa namin lately, may nababanggit na ex-GF ni Robbie na tila Raine ang pangalan. Yayamanin ang apelyido nito at lumalabas na friend sila ng GF ng brother ni Robbie at magkakampi raw ang dalawa ngayon, anuman ang ibig nitong sabihin.

Tanong ng fans, magsalita kaya si Karla Estrada? Linawin kaya nito ang isyu sa anak at ipagtanggol si Magui sa maling paniniwala ng tao. May nabanggit pa ang supporters ng pamilya ni Karla na may agenda sa biglang paglabas ng isyu kina Magui at Jacob Ang.

Xian, mas busy sa food business

Xian Lim is enjoying his simple life in Subic, Olongapo at busy sa pag-aasikaso sa bagong negosyo na binuksan. Food business ang negosyo ni Xian at tinawag niyang RPLB Diner at nag-o-offer ng meals, coffee, refreshing drinks at may al fresco area pa.

Nag-post ito ng photo kasama ang isang babae na dahil may suot na apron, ang paniwala ng netizens, empleyado niya sa kanyang food business. “Taking things slow at the moment. Learning, reflecting, and appreciating everything along the way. So many things are happening all at once, but that’s a good thing, right? After all, diamonds are formed under pressure.”

Suportado siya ng kanyang fans sa desisyon na mag-lie low muna sa showbiz and focus on things that made him happy.

Saka, wala pa naman siyang project sa showbiz at ang last project niya ay bilang director sa series sa Viva One.

KARLA ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with