^

Pang Movies

TV networks hindi totoong dinedma ang rally para kay Papa Rudy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kasinungalingan ang pinakalat na balita na dinedma ng mga television network ang rally ng mga supporter ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Quirino Grandstand noong Sabado, September 26.

Ito ang rally na humihimok kay Papa Rudy na kumandidato na presidente ng Pilipinas sa 2016.

Hindi totoo na walang television network na nag-cover ng Quirino Grandstand rally dahil napanood ko ito sa isang news program. Tiyak na napahiya ang mga nagkalat ng ba­lita dahil ipinakita sa telebisyon ang rally na hindi naman sinipot ni Papa Rudy.

Aktres na user-friendly, atat nang makilala ang AlDub

Pinag-uusapan ng isang grupo ng mga reporter ang user-friendly actress na ginagawa ang lahat ng paraan na makadikit sa mga sikat na artista para sa kanyang sariling interes.

Namamayagpag ngayon nang todo ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Totally nameless si Maine nang mag-join ito sa Eat Bulaga pero umingay nang husto ang pangalan dahil sa kalyeserye at sa loveteam nila ni Alden.

Ang sey ng mga reporter, siguradong atat na atat na ang aktres na makilala nang personal ang AlDub para magamit niya pero mahihirapan siya dahil hindi na mauulit ang kanyang panggagamit noon sa isang much y­ounger star.

Knows na ng mga tao sa paligid ng AlDub ang tunay na motibo ng aktres sa pakikipagkaibigan nito sa mga sikat at sumisikat na artista.

Jodi hindi binigo ang lambing ni Jolo

Pinasalamatan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria dahil pinagbigyan nito ang imbitasyon niya na maging special guest sa World Teacher’s Day celebration sa isang bayan ng Cavite noong Lunes.

Kahit busy sa tapings ng isang teleserye, pinagbigyan ni Jodi ang lambing ng kanyang dyowa.

Masayang-masaya ang mga teacher nang makita nila nang personal si Jodi at kinilig-kilig sila sa mala-AlDub na eksena ng aktres at ni Jolo.

Kung si Jodi ang special guest ni Jolo, ang madir nito na si Congresswoman Lani Mercado ang isa sa mga nakisaya sa grand teacherfest ng PLDT Gabay Guro noong Linggo sa Mall of Asia Arena. Ang hipag ni Lani, ang PLDT executive na si Chaye Cabal-Revilla ang nag-invite sa kanya sa ma­tagumpay na event ng PLDT Gabay Guro.

Jeremy kasado na ang pagtakbo bilang Vice Mayor

Sure na sure na ang pagkandidato ni Jeremy Marquez bilang Vice Mayor ng Paranaque City sa 2016.

Si Ryan Yllana ang nag-confirm sa akin tungkol sa plano ni Jeremy.

Si Ryan ang kapatid nina Anjo at Jomari na kapartido ni Jeremy.

Nagkita kami ni Ryan sa Camp Crame nang dalawin niya si Bong Revilla, Jr. noong birthday nito.

Hindi kami gaanong nagkausap ni Ryan dahil busy siya sa pakikipagkuwentuhan sa ibang mga bisita ni Bong at panay tungkol din sa pulitika ang kanilang topic.

Dennis at Jennylyn never umamin

Ma at pa ang masasabi ko sa tsismis na nagkakalabuan sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kaya hindi na magkakaroon ng extension ang teleserye nila sa GMA 7.

Never na umamin sina Jennylyn at Dennis na nagkabalikan sila kaya tama lang na dedmahin at huwag patulan ang balita na may problema ngayon sa kanilang relasyon.

Basta ang alam ko, may coming soon movie si Jennylyn, ang The Pre Nup ng Regal Films kaya huwag mag-expect na magsasalita si Dennis tungkol sa break up issue dahil hindi ito papayag na magamit siya sa publicity ng pelikula.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GABAY GURO

JENNYLYN

JODI

JOLO

MGA

NANG

PAPA RUDY

QUIRINO GRANDSTAND

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with