^

Pang Movies

Pastillas Girl wanted na?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Humiling ang concerned women’s group na The Gabriela Women’s Party sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na imbestigahan nila ang ABS-CBN noontime program na It’s Showtime dahil sa ginagawa diumano nitong “exploitation of women”.

Ang Pastillas Girl o si Angelica Jane Yap ang siyang itinatapat ng programang It’s Showtime sa pheno­menal Dubsmash Queen na si Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Si Yaya Dub ang ka-loveteam ng Kapuso actor na si Alden Richards at kilala ang kanilang tandem as AlDub.

Nakilala si Yap dahil sa viral video niya na gumagawa ng pastillas at nag-e-emote sa pagiging two-timer ng boyfriend niya.

Sa segment nga niya, hinahanapan siya ng boyfriend o Mr. Pastillas ng It’s Showtime sa pama­magitan ng isang dating game.

Pero ayon sa Gabriela, hindi raw tama na mag-take advantage ang isang show lalo na kung damdamin ng isang babae ang ginagamit nila para sa ratings.

This guy’s in love with you pare Young actor nabakla sa kapogian ng kaibigang aktor

Todo-iwas ngayon ang isang young actor sa kapwa nito young actor dahil masyado na raw “too close for comfort” ito.

Close naman daw ang dalawang young actors dahil nagkasama sila sa isang TV show. Barkada nga sila at halos lahat ng mga lakad nila, mapa-showbiz man o personal, nagkakasama sila parati.        

Pero lately ay medyo dumidistansya na raw si Young Actor A (YAA) kay Young Actor B (YAB) dahil may kakaibang kilos na raw ito.

Ayaw naman mag-assume ni YAA pero pakiramdam niya ay may pagkabading si YAB.

Sa isang rehearsal daw nila ng isang dance number para sa isang guesting nila, napansin ni YAA na panay ang titig sa kanya ni YAB kapag nagtatanggal na ito ng kanyang pawisang T-shirt.

Nagsabi pa nga raw si YAB na siya na ang magpunas ng pawis ni YAA sa likod dahil baka raw sipunin ito kapag natuyuan ng pawis. Okey lang kay YAA pero naramdam siya ng kakaibang kilos ang mga kamay ni YAB sa kanyang likod.

Noong araw naman daw ng guesting nila, pinasuot kay YAA nang stylist ay skinny jeans na sobrang hapit sa kanyang mga legs. Bumukol tuloy ang hinaharap ni YAA at hiyang-hiya ito at gusto niyang papalitan ang skinny jeans.

Nag-dialogue nga raw si YAB na huwag na raw palitan dahil bagay naman daw kay YAA dahil sexy siyang tingnan. Tapos sabay pinalo raw nito ang puwet niya.

Doon na medyo naalarma si YAA dahil first time daw gawin ni YAB yun sa kanya at parang may malisya na. Kaya ‘yung mga paakbay-akbay daw sa kanya ni YAB sabay kurot sa kanyang dibdib na dinededma niya noon ay ngayon lang niya nabibigyan ng malisya.

After nga raw ng dance number nila ay mabilis na tumakbo si YAA sa dressing room nila para magpalit dahil naiisip niya ang ilang beses na naghubo’t hubad siya harapan ni YAB na hindi niya binigyan ng malisya.

Kaya pala minsan ay pinapauna siyang magbihis nito, ‘yun pala ay nakakalibre na ito ng boso.

Minsang habang nagpapa-picture ito sa fans niya, agad na nagbihis na si YAA para hindi na siya maabutang hubo’t hubad. Noong makarating na si YAB sa dressing room, papaalis na si YAA at sinabi niyang may lakarin pa siyang importante sa school.

Kaibigan pa rin ang turing niya kay YAB pero sa konting distansya ay maiiwasan niyang isipin na baka may pagnanasa sa kanya ito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

ISANG

ITO

NBSP

NIYA

RAW

SHOWTIME

YAA

YAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with