^

Pang Movies

Noon pa pala gustong makasama uli ang ex, Gabby naiinip na sa reunion nila ni Sharon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Naiinip na rin si Gabby Concepcion sa reunion movie nila ni Sharon Cuneta na noon pa pinaplano pero up to now ay hindi pa rin matuloy-tuloy.

“Parang ang tagal, ah,” say ng aktor. “I’m from the inside but I look at myself also na parang from the outside. Gusto kong makita ‘yung movie na ‘yun kung ano ang. . .number one, kung ano ‘yung content at kung paano magiging acceptance ng fans.

“Kasi mayroon kaming mga followers na nandodoon pa rin, naghihintay lang ng project.”

Kung sina Richard Gomez and Dawn Zulueta ay naging mainit muli ang balik-tambalan, how much more the Gabby-Sharon team-up na naging hit din naman talagang loveteam during their time, ‘di ba naman?

“Oo nga, eh. So, ako, I’m also a hopeful fan ng aming team-up,” he said.

When asked kung ready na ba siya sakaling sabihin ng panganay na anak na si KC Concepcion na gusto na nitong mag-asawa, say ni Gabo, “Oo, anytime, she’s at the age.”

How about maging lolo?

“Oo, anytime. Kahit great grandpa pa,” natatawa niyang sabi.

Kasama si Gabby sa Felix Manalo movie na showing na sa October 7 sa mga sinehan.

Jaclyn handang makipagpatayan para sa apong si Ellie

Ayon kay Jaclyn Jose, sa abot ng kanyang makakaya ay poprotektahan niya ang kanyang apo na si Ellie (child of her daughter, Andi Eigenmann) at hindi raw niya papayagan ang kahit sino na makapanakit dito.

“If I cannot dwell with Andi anymore because she’s at her right age na, but definitely, I will always protect my grand apo, I will never let anyone harm her. No one, no one will harm Ellie,” sabi ng premyadong aktres.

Ang statement na ito ni Jaclyn ay kaugnay ng mga kaakibat na intriga hanggang nga­yon tungkol sa mga kung anu-anong kwestyon sa tunay na tatay ng kanyang apo.

When asked kung ano kaya ang pwede niyang gawin kapag naapektuhan na si Ellie ng mga intriga ng showbiz?

“Ah, magagagalit na ako. Kasi, hindi pa ako nagagalit, ‘di ba? Tagal na.”

Four years old na ngayon si Ellie at marunong na raw itong mag-internet at gumamit ng cellphone.

“Alam na niya lahat ang Facebook, ang internet, ang phone ko, marunong mag-play, manood.

“So, I just want to protect my granddaughter. Kung anuman ‘yung whatever it is behind everything, definitely, andito ako for Ellie,” she said.

Kumusta naman sila ni Andi ngayon?

“Ay, okay, we’re very okay. Very smooth, wala kaming. . .(problema),” say pa ng isa sa cast ng Felix Manalo.

Kris hindi natiis si Herbert, aminadong love love love pa rin

Last Friday night ang huling gabi ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight at sa Monday, magso-solo na lang si Boy Abunda sa show via a new title, Tonight With Boy Abunda.

Sa huling gabi ni Kris sa A&A ay may pasabog ang Queen of All Media. Kinumpirma niyang tuloy ang Metro Manila Film Festival movie nila ni Herbert Bautista.

May mga tsika kasi lately na pinalitan na si Bistek ni Derek Ramsay but turned out na hindi naman pala.

Inamin naman ni Kris na akala raw niya talaga ay hindi na matutuloy ang movie pero finally, it’s pushing through na raw.

“And iba na ang title. Ayaw natin ng split sa Pasko, kaya gusto natin, love, love, love,” she said.

Ang magiging title na raw ay Pamilyang Love, Love, Love na habang sinasabi ito ay panay ang tawa ni Kris na ewan kung bakit.

Maliban sa bagong titulo ay ayaw nang magbigay pa ng ibang detalye si Kris at hanggang doon na lang daw ang masasabi niya.

“Surprise na lang,” she said.

vuukle comment

ACIRC

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

BOY ABUNDA

DEREK RAMSAY

ELLIE

FELIX MANALO

KUNG

LOVE

OO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with