^

Pang Movies

Jose bukung-buko na ang pagmamahal kay Eugene!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Alam na alam na ng lahat, mahal ni Jose Manalo si Eugene Domingo dahil noong birthday ni Uge sa show nilang Celebrity Bluff, niregaluhan niya ng mga cake at stuff toy na singlaki niya at may mukha pa niya ang aktres.

Niyayakap-yakap naman ito ni Uge. Sa naturang episode ng show, nailaglag nina Diego at Janine Gutierrez ang mga nakalabang sina Kylie Padilla at Martin del Rosario, Louise at Kiko Estrada, nanalo naman ang magkapatid na sina Diego at Janine ng 100k.

Magaling ang kapareha ni Janine na si Diego dahil palaging tama ang mga sagot nito. Masayang nakinood naman ang tatay nilang si Ramon Christopher dahil masaya ang birthday show ni Eugene.

Nag-greet din si AiAi delas Alas na best friend niyang si Uge, sana raw ma­tagpuan na ni Uge ang mamahalin kahit na nga si Jose ito.

Jazz Ocampo nakipagsabayan na agad sa senior actors!

In fairness kay Jazz Ocampo, nakaarte siya agad sa Magpakailanman dahil bibihira ang nabibibigyan ng chance na makalabas agad sa naturang show. Wala siyang takot nakipagbatuhan ng dialog kina Eula Valdez at Ricky Davao na parehong may award sa larangan ng pag-arte.

Baguhan lang si Jazz na napapanood sa Instadad. At pasado naman kaagad siya sa Magpakailanman.

Mapapanood rin si Jazz sa My Faithful Husband na gaganap bilang kapatid ni Dennis Trillo.           

vuukle comment

ANG

CELEBRITY BLUFF

DENNIS TRILLO

EUGENE DOMINGO

EULA VALDEZ

JANINE

JANINE GUTIERREZ

JAZZ OCAMPO

JOSE MANALO

KIKO ESTRADA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with