^

Pang Movies

Sen. Bong nakampante na, request na makita uli si Jolo kinansela na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kinansela na ni Senator Bong Revilla, Jr. ang request niya sa Sandiganbayan na payagan siya na makadalaw uli sa kanyang anak na si Jolo Revilla dahil bumubuti na ang kalagayan nito.

Nagpapasalamat si Bong sa Sandiganbayan dahil binigyan siya ng permiso na mabisita si Jolo sa Asian Hospital and Medical Center noong Martes.

Naglabas si Bong ng official press statement bilang pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal para sa paggaling ng kanyang anak.

“Nagpapasalamat kami sa Panginoon na buhay si Jolo; pati sa ating mga kababayan na patuloy na nananalangin sa mabilis na paggaling ng aking anak; at sa hukuman na pinayagan akong makita at makasama siya sa pinagdaraanan niyang ito.

“Sobra akong nag-alala at nabahala sa kanyang pinagdaraanan ngayon. Mas ikinalulungkot ko pa na wala akong magawa bilang ama para maibsan ito o kahit masamahan man lang siya nang walang limitasyon sa pagsubok niyang ito.

“Higit po sa paglingon sa mga nangyari o pagbunton ng sisi kaninuman, naniniwala akong ang higit na mas mahalaga ay makapiling ko kahit sandali si Jolo na nasa sitwasyong sinumang mga magulang ay hindi nanaisin.

“Patuloy po kaming nanalangin at nagpapasalamat sa bumubuting kondisyon ng aking anak.

“Ako ay naniniwala na ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng pagsu­bok sa aming pamilya upang kami ay mas lalo pang maging matibay sa pangalan ng Panginoon.

“Muli ay akin pong hinihingi ang inyong patuloy na panalangin upang mas mapabuti pa ang kalagayan ni Jolo.

“Salamat po. Maraming salamat po sa inyong lahat.”

Jolo inilagay na sa private room, nagka-pneumonia nang ma-ICU

Dumalaw rin ako kay Jolo noong Martes at nagpang-abot kami ni Bong sa ospital.

Hindi ko na hinintay ang pag-alis ni Bong sa Asian Hospital and Medical Center at ang pagbalik niya sa Camp Crame dahil nagkaroon pa ng prayer meeting sa hospital room ni Jolo.

Ikinatuwa ko ang news kahapon na bumubuti na ang kalagayan ni Jolo dahil nasak­sihan ko noong Martes ang pananakit ng katawan niya.

Hiniling ng Revilla family na ilipat si Jolo sa regular private room para hindi sila makaabala sa ibang mga pasyente sa ICU. Nag-alala rin sila na baka ma-expose si Jolo sa “highly dangerous pathogens” dahil nagkaroon siya ng pneumonia habang nasa ICU.

On leave si Jolo bilang Vice Governor ng Cavite habang nagpapagaling siya.

Pangarap na magkapamilya hindi na matutupad Jam iniwan na nang tuluyan si Mitch

Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Jam Sebastian ng YouTube sensation na Jamich.

Namatay kahapon si Jam dahil sa Stage 4 Lung Cancer matapos ang mahigit isang taon na pakikipaglaban.

Nagpasya ang pamilya ni Jam na alisin na ang life support niya dahil nakita nila na mahinang-mahina na ang kanyang katawan.

Inubos na lamang nila ang gamot ni Jam na nangako na lalabanan ang sakit pero hindi na talaga niya kinaya.

Maituturing na Startalk baby si Jam at ang kanyang girlfriend na si Mitch (Michelle) Liggayu dahil sinubaybayan sa aming show ang kanilang love story, pati na ang paglaban ni Jam sa karamdaman nito.

Naging live guests pa namin ang dalawa sa Startalk at dito nagkuwento si Jam tungkol sa pangarap nila ni Mitch na bumuo ng pamilya na hindi na matutupad dahil nagpaalam na siya.

Nakikiramay ako at ang PM (Pang-Masa) staff sa naulilang girlfriend at pamilya ni Jam.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

CAMP CRAME

DAHIL

JAM

JAM SEBASTIAN

JOLO

JOLO REVILLA

LUNG CANCER

NAGPAPASALAMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with