^

Pang Movies

Dennis idi-date si Jennylyn sa Valentine’s Day?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isa si Dennis Trillo sa special guest ni Jennylyn Mercado sa kanyang Valentine Concert tomorrow, February 13, 7:00 p.m., sa SM North EDSA Skydome, ang Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan Nyo Naman Ako! Nakausap si Dennis at natanong bakit siya pumayag na mag-guest sa concert, to think na ini­intriga silang nagkabalikan na ulit ng dating girlfriend. Wala raw naman siyang gagawin sa araw na iyon, at bakit naman hindi, eh, friends na naman sila ni Jennylyn. Dugtong pa ni Dennis, siguro raw ay mag-stay pa rin siya kahit matapos na siyang mag-guest para panoorin ang kabuuan ng concert.

Biro tuloy, since after ng concert ay Valentine’s Day na, hindi kaya mag-celebrate na rin sila? Ngiti na lamang ang isinagot ni Dennis.

Anyway, ang iba pang guests ni Jennylyn tomorrow ay ang mga co-stars niya sa blockbuster movie nilang English Only, Please na sina Derek Ramsay, Kean Cipriano, Cai Cortez, Jerald Napoles, kasama rin sina Gloc 9, Nico Antonio, G Force at si Mark Herras, sa direksyon ni Calvin Neria.

Restaurant ni Victor naiiba ang menu

Napagsasabay ni Victor Neri ang pagi­ging artista niya at pagiging Chef sa kanyang bagong tayong restaurant na Sauté, sa Tomas Morato, cor. Scout Rallos, Quezon City.  Napahanga kami, kasama ang iba pang entertainment press na nag-dinner doon sa mga naiiba niyang menu na talaga namang masasarap.  Hindi naman basta-basta ang culinary school na pinasukan ni Victor sa Thailand, ang branch ng Le Cordon Bleu na para sa kanya ay isa na sa pinakamahusay na culinary school sa buong mundo.

Bago bumalik ng bansa, nagtrabaho ng ilang taon si Victor sa Hong Kong, pero dahil bata pa ay hilig na niyang magluto, naisip n­iyang mag-aral muna ng culinary arts at saka bumalik dito. Nabigyan siya ng chance na makabalik sa showbiz, kasabay ang pagiging consultant sa isang restaurant sa The Fort, bago niya naisip na magtayo ng sariling restaurant. Dinner lamang ang ino-offer ng kanilang resto na bukas hanggang madaling-araw.

May mga indie film nang nagawa si Victor, isa rito ang S6parados na kalahok sa nakaraang Cinemalaya X at ngayon, magsisimula na siya ng bagong teleserye sa ABS-CBN.

Dingdong proud sa pag-aaral ni Marian

Proud husband si Dingdong Dantes nang mag-post sa kanyang Instagram (IG) account ng “visited my wife today (last Tuesday) during her first day in culinary school. I am as proud as your pose @the realmarian.”

Nagsimula nang kumuha ng lessons si Marian Rivera ng pagbi-bake ng cakes and pastries sa Heny Sison Culinary School, habang hinihintay pa niya ang pagsisimula ng taping ng bagong soap niya sa GMA-7.

Eula sinalubong ng 3,000 katao!

Mukhang kaabang-abang ang pagpasok ng cha­racter ni Eula Valdez bilang ang hacienderang si Ysabel  sa afternoon prime ng GMA na The Half Sisters. Sa post ni Direk Mark Reyes, inabot ng 3,000 ang crowd ng mga extra in Filipiniana costume, marching band, majorettes, horse carriages and a carossa. Ayon kay Direk Mark, 400 lamang ang extra na kinuha nila pero nanood daw lahat ng mga tao doon sa location nila sa Pampanga kaya dumami ang mga ito.

vuukle comment

AKO NA MAG

CAI CORTEZ

CALVIN NERIA

CINEMALAYA X

DENNIS TRILLO

DEREK RAMSAY

DINGDONG DANTES

DIREK MARK

DIREK MARK REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with