^

Pang Movies

Eugene si Jose lang talaga ang gustong makasama!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masaya na raw si Eugene Domingo na ang Celebrity Bluff lang ang kanyang TV show sa ngayon.

Bukod kasi sa maganda ang vibes niya sa show at nakakapag­hatid sila ng saya sa maraming tao, patok na patok din ang loveteam nila ni Jose Manalo na kung tawagin ay JoGe.

Last week ay nag-trending sa Twitter ang #Jose­GiveMeARing episode nila.

Natatawang kinuwento ni Jose na nagbigay nga raw siya ng singsing pero three gives daw ang kuha niya.

“Kahit na three gives iyong singsing, ang hulog ko naman dun three times a day naman kaya mabilis kong nabayaran!”

Pampawala raw ng stress ni Eugene ang kanilang tandem ni Jose at kahit tinatawag na unconventional ang kanilang team-up, nakakapaghatid naman daw sila ng hindi lang saya kundi pag-asa sa maraming tao.

“Hope ang hatid namin sa maraming tao. Kasi ordinary lang kami ni Jose. Hindi kami ‘yung love­team na kaygaganda, ‘di ba? Relate ang masa sa amin at nakaka-sense sila ng pag-asa sa aming dalawa.

“Kahit ganito, may pag-asa pa rin!” tawa pa ni Uge.

Tumatanggi nga si Uge na gumawa ng teleserye dahil ayaw na raw niya ng mabigat na drama sa buhay. Okey lang daw ang sitcom at pabor siya na makasama si Jose.

 “Mabigat na masyado ang mga teleserye sa akin. Ayoko ng stress. Sa mga pelikulang ginagawa ko, mada-drama na. Ayoko nang dagdagan pa ang bigat.

 “Gusto ko ay yung masaya lang kaya itong Celebrity Bluff ay pinapasalamat ko na naibigay sa akin.

“Okey lang na gumawa ako ng sitcom. Sino pa ba ang puwedeng i-partner ko kundi si Jose, ‘di ba? Panindigan na natin ang JoGe, ‘di ba?” tawa niya ulit.

Sa second anniversary nga ng Celebrity Bluff, marami pa raw na mapapanood ang mga fans ng JoGe kina Jose at Eugene. Kasama rin sa kanilang katatawanan sina Boobay at Brod Pete.

Alonzo sunud-sunod agad ang trabaho

Agaw-eksena nga ang cute na anak ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach sa press launch ng Metro Manila Film Festival official entry na My Big Bossing.

 First time kasing um-attend si Alonzo ng press conference at kita sa bata ang pagiging excited.

Maayos naman sinagot nito ang mga tanong sa kanya ng press at marami ang nagsasabi na malaki ang kinabukasan nito sa showbiz dahil bukod sa kamukha ito talaga ni Niño, malakas din ang charm nito.

Kasama rin si Alonzo sa isa pang MMFF official entry na Kubot: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan naman ni Dingdong Dantes.

May nasagap kaming balita na may sisimulan ng isang teleserye si Alonzo at magte-taping na nga raw ito sa pagpasok ng December. Sa January 2015 na ito ipalalabas sa ABS-CBN.

Kaya nga natutuwa si Niño dahil nagsisimula pa lang ang kanyang anak pero sunud-sunod na ang mga blessings na natatanggap nito.

 

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ASWANG CHRONICLES

AYOKO

BROD PETE

CELEBRITY BLUFF

JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with