^

Pang Movies

Pokwang payag makipag-LDR

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami ang naaliw sa dance number ni Pokwang sa kantang Applause ni Lady Gaga sa 28th  Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Sunday sa Grand Ballroom, ng Solaire Resort and Casino sa Tambo, Parañaque. Ang costume ng seksing komed­­yana ay lingerie na may kamay na design na parang nakahawak sa kanyang boobs at keps. Ayon kay Pokie, first time raw niya itong ginawa. Bale ba tribute ang nasabing dance number kay Nova Villa na tumanggap ng Ading Fer­nando Lifetime Achievement Award na nagsi-celebrate naman ng ika-50th year niya ngayon sa showbiz. 

Hindi pa nakakatrabaho ni Pokwang si Nova, pero nakapunta na siya sa bahay ng senior comedianne sa Tagaytay dahil sa common friend nilang dalawa. Impressed si Pokwang dahil ang tahi-tahimik daw ng lugar ng senior comedienne, kaya nakita niya kung gaano kapribado ang buhay nito sa Tagaytay.

Tuwang-tuwa naman si Nova sa pasabog ni Pokwang sa awards night na kinarir ng bonggang-bongga ang pagsayaw at hindi talaga nagsuot ng stocking sa kanyang legs.

Thankful naman si Pokwang dahil naging challenge raw sa kanya ang na-assign na sayaw dahil forte niya ang pagiging Lady Gayagaya.

Samantala, masaya si Pokwang sa magagandang review ng movie niyang Edsa Woolworth na palabas na sa Europe. Naka-schedule naman itong ipalabas sa bansa next year.

Mas doble pa ang excitement ni Pokwang dahil darating si Lee O’Brian na kasama niya sa movie na nali-link din sa kanya. Kung sakali raw na may mabuong relasyon sa kanila ng foreign actor, hindi na raw siya mag-iinarte pa dahil hindi raw mahirap mahalin si Lee. Pero ayaw mag-assume ni Pokwang, basta ini-enjoy niya ang friendship nila na in fairness daw kay Lee, nag-i-effort siyang kumustahin siya at pinuntahan din ito sa San Diego nang mag-show si Pokwang doon. Nagku-comment din si Lee sa kanyang Instagram (IG) account kapag nagpo-post ito ng kanyang mga show. Pinag-iingat siya ng Afam sa kanyang mga lakad.

Pero hanggang maari, gusto raw ng foreigner na maging private na lang kung sakaling may mabuong relasyon sa kanila ni Pokie. Iniiwasan daw ni Lee na baka isipin ng fans ni Pokwang na ginagamit niya ang aktres.

Sasamahan ni Pokwang si Lee sa mga beaches sa bansa pagpunta nito ngayong January. Ipagluluto niya rin uli ito ng adobo na mukhang nasarapan nang minsang ipagluto niya ito nang magkasama sila sa shooting sa abroad.

Wish ni Pokwang na kung sakali ay makapaghintay sa kanya ang foreigner ng two years pa dahil gusto muna niyang makatapos sa kinukuhang Culinary ang anak. Okey din kay Pokwang ang long distance relationship (LDR) at naniniwala ang komedyana, na kung meant to be sila ay hindi magiging problema ang layo nila sa isa’t isa.

Samantala, hindi matutuloy ang bakasyon ni Pokwang at anak nito sa Palawan ngayong December. Nagbago raw ang isip ng anak niya dahil magtitipid na lang daw sila para sa planong trip sa Japan next year. Ang Japan ang gustong puntahan ng anak ni Pokwang na Hapon ang tatay ng bagets. Tamang-tama raw dahil makakasama nila si K Brosas at anak nito sa Pasko. Maiiwan din saglit ang anak ni K sa kanilang bahay ngayong December dahil may show ang komedyana (K Brosas) sa Italy.

vuukle comment

ADING FER

ANG JAPAN

DAHIL

EDSA WOOLWORTH

GRAND BALLROOM

K BROSAS

NIYA

POKWANG

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with