^

Pang Movies

Lovi ayaw idetalye ang mana kay FPJ

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa pocket presscon kahapon ni Lovi Poe ay natanong sa kanya ang relasyon nila ng kanyang ate Grace Poe dahil may ginawa kasi silang interview together para sa anniversary special ng Startalk.

Okay naman daw sila ng kanyang ate at nagtsi­tsikahan naman sila.

“Nagkakausap kami minsan, especially pagka. . .si Sen. Chiz (Escudero) kasi saka si Ate Grace, friends. So, when I’m always with them (Chiz and Heart Evangelista), I always see her.”

When asked kung okay din ba sila ni Susan Roces, say niya ay oo naman daw at kapag nagkikita sila ay lagi siyang kinukumusta nito.

“Nagkita kami recently. Mabait po siya, and nag-uusap po kami.”

Kumportable naman ba siya kapag nakakausap ang Ate Grace and Tita Susan niya at wala bang awkwardness?

“Siyempre ako, because of my situation, medyo shy ako. Nahihiya ako, ganyan. Pero they always try to make me comfortable naman, eh, when I’m around them.”

Dahil nga nandito na rin lang ang usapan, diniretso ng tanong si Lovi ng press kung may namana ba siya sa kanyang yumaong amang si Fer­nando Poe, Jr.

“Ay, bawal po siyang pag-usapan,” nakangiting sagot ni Lovi.

But when asked kung yes or no lang, aniya ay “of course.”

“Basta, hindi siya pwedeng pag-usapan. Pero basta, of course, of course, definitely (meron).”

Out of respect na lang daw sa kanyang ama kaya ayaw nila raw itong pag-usapan hangga’t maaari.

Ang nasabing pocket presscon ay para sa dalawang pelikula ni Lovi na mapapanood ngayong Nov. and December, ang Soap Ope­ra na entry sa Cinema One Originals at ang Shake, Rattle and Roll XV na entry naman sa Metro Manila Film Festival 2014.

Sa Soap Opera ay kasama niya ang boyfriend na si Rocco Nacino mula sa direksyon ni Remton Siega Zuasola at magkakaroon ito ng gala premiere on Nov. 10 sa Trinoma Cinema 1 at 9 p.m. The film will have a total of 11 screenings throughout the festival, from 10th to 18th of November.

Sa Dec. 25 naman ang simula ng showing ng Shake, Rattle and Roll XV as part of MMFF at sa third episode na Flight 666 mapapanood si Lovi kasama si Matteo Guidicelli.

Pahinga raw muna siya sa teleserye after Ang Dalawang Mrs. Real at baka raw next year na siya ulit gumawa ng bagong soap sa GMA-7.

KC lumaking maka-lola

Pumanaw na ang ina ni Sharon Cuneta at lola ni KC Concepcion na si Elaine Cuneta kahapon, Nov. 5 sa edad na 79.

Si KC mismo ang nag-anunsyo nito sa kanyang Twitter account kahapon ng hapon.

Alam natin kung gaano kamahal ni KC ang kanyang lola at nasaksihan sa showbiz habang lumalaki siya ang pagiging lola’s girl niya kaya for sure ay isang malaking blow para sa kanya ang pagyao nito, ganundin para kay Sharon na tulad ni KC ay mahal na mahal din ang ina.

To Sharon and KC at sa lahat ng naulila ni Mrs. Cuneta, ang gaming taos-pusong pakikiramay.

vuukle comment

ATE GRACE

ATE GRACE AND TITA SUSAN

CHIZ AND HEART EVANGELISTA

CINEMA ONE ORIGINALS

ELAINE CUNETA

GRACE POE

LOVI

LOVI POE

RATTLE AND ROLL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with