^

Pang Movies

Sharon at KC todo ang pagluluksa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagluluksa  si Sharon Cuneta at ang pamilya nito dahil sa pagpanaw kahapon sa edad na 79 ng kanyang butihing ina, si Mrs. Elaine Cuneta aka Mommy Elaine ng showbiz.

Si Mommy Elaine ang nakatatandang kapatid ni Helen Gamboa na favorite tita ni Sharon.

Ang kanyang favorite apo na si KC Concepcion ang nagkumpirma kahapon sa Twitter  ng balita tungkol sa pagpanaw ni Mommy  Elaine.

“Hi. I just lost the love of my life today. My Mita will forever be the BEST GRANDMA EVER. She will forever be with me. I love you, my Mita.

“My grandma will forever be my inspiration. She loved life, gave us all beautiful adventures. She knew me more than I knew myself. I will miss you laughing this much, this way. I shared so many fun times with you that I will recreate forever. You are my sunshine, Mita.”

Ulilang lubos na si Sharon at ang kanyang kapatid na si Chet dahil naunang pumanaw noong September 2000 ang kanilang ama, si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

Labas-masok si Mommy Elaine sa ospital at naging kritikal ang kundisyon niya noong September 2014 pero himala na gumaling siya.

Naka-confine si Mommy Elaine sa St. Luke’s sa Bonifacio Global City at si KC ang nagbantay sa kanya sa ospital. Nagkataon na may friend ako na naka-confine din noon sa nasabing ospital at dito niya nakita ang mag-inang KC at Sharon.

Naka-schedule sana kahapon na operahan si Mommy Elaine kaya humiling si KC ng mga dasal para sa kanyang lola.

“Hi please send ur prayers up for my grandma. She’s in a make-or-break situation with an operation she has to undergo this morning. Love u all, “ ang request ni KC at sa kasamaang-palad, hindi na­ging tagumpay ang operasyon dahil pumanaw kahapon si Mommy Elaine.

Julian mas pinag-usapan kesa kay Iñigo?

How true na may utos daw kay Julian Estrada na bawiin nito ang pag-amin na naging girlfriend niya si Julia Barretto?

True or false man ang tsismis, huli na para bawiin ni Julian ang kanyang pahayag. Kahit bawiin niya ang pag-amin, mas marami ang naniniwala na nagkaroon sila ng anim na buwan na relasyon ni Julia.

Nangyari ang pag-amin ni Julian sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig noong nakaraang linggo.

Sa totoo lang, mas pinag-usapan ang admission ni Julian tungkol sa nakaraan nila ni Julia at ang pralala ng ex-girlfriend ni James Reid kesa sa ibang mga artista ng Relaks, It’s Just Pag-ibig.

Kung babawiin ni Julian ang sinabi nito, another issue na naman at lalong magiging maingay ang kanyang pa­ngalan.

Lovi laging ginagwardyahan ni Rocco

Pinabulaanan ni Lovi Poe ang sitsit na binabantayan niya ang kanyang boyfriend na si Rocco Nacino.

Totoo naman ang denial ni Lovi dahil it’s the other way around. Siya ang binabantayan ni Rocco at hindi siya ang nagbabantay.

I should know dahil witness ako nang magbantay si Rocco kay Lovi nang maging guest co-host ito sa Startalk.

Si Lovi ang pansamantalang pumalit kay Heart ­Evangelista na absent noon sa aming show.

Noong Sabado, si Camille Prats naman ang guest co-host namin dahil nasa US si Heart para magpasukat ng kanyang wedding gown sa international Filipino fashion designer na si Monique Lhuillier.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAMILLE PRATS

ELAINE

HELEN GAMBOA

JUST PAG

KANYANG

LOVI

MOMMY ELAINE

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with