^

Pang Movies

Lea hindi nakilala si Karla Estrada nang mag-audition sa The Voice

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Usap-usapan ang pag-audition  ni Karla Estrada sa The Voice of The Philippines Season 2. Hindi nga lang daw alam ng press kung ipalalabas ang episode na ito kung saan sumubok ang nanay ni Daniel Padilla.

Rason daw ni Karla sa pagsali, gusto raw niyang ma-experience ang feeling ng nag-o-audition. Tutal naman daw, may talent siya sa pagkanta.

Kaso hindi naman daw pabulosa ang boses kaya hindi humarap ang mga judge na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Apl.d.Ap.

Tilian daw sina Sarah at Lea nang makilala nila ang nanay ni Daniel matapos itong kumanta. Kaloka nga lang daw ang komento ni Lea na minsang nag-comment ng negatibo sa boses ni Daniel : “I know you! I know you! What’s your name?” Nawindang daw tuloy si Karla.

Aba, dapat lang ipalabas ang classic na eksenang ‘yon sa The Voice. Tiyak na marami ang maaaliw.

Nikki kilig na kilig kay Vic Sotto

Ang mga mata ni Vic Sotto ang unang napapansin ni Nikki Gil tuwing magkaeksena sila sa Prinsesa episode ng My Big Bossing. Kinikilig ­siya ‘pag nakikita niyang nangungusap ang mga mata ng Comedy King.

“Sobra ang acting niya. Lingon lang, grabe na. Nakakabilib! ‘Yun ang sinasabing malaking batayan ng magaling na artista. Naiiba ‘yung mata. ‘Yun ang tina­trabaho ko,” rason ni Nikki nang makausap ng press sa shooting.

 Kumusta naman ang karisma ni Bossing?

“Kasi, young siyang kumilos. Si Bossing…I guess it has something to do with being in the industry. Ako kahit ako, dahil nasa MYX (Channel) ako, musikera ako, musikero si Bossing. It keeps you fresh and vibrant like parang ako. Music makes me happy.

“Eh, si Bossing, he radiates the aura of lightness. Naa-attract ang co-workers niya dahil sa light environment.

 “Tahimik lang si Bossing. Batian lang. Work lang. Pero minsan, nakakatuwa na nakikita mo ­siyang nakikipaglaro sa mga bata,” pahayag pa ng aktres.

Pagdating naman sa love life, mas gusto niyang maging tahimik na lang after Billy Crawford. “Ang sa akin, ayoko nang mag-harbor ng ill feelings. Gusto ko nang makapag-move on agad. Bakit patatagalin pa natin ang sadness, ‘di ba?”

Iñigo relaks muna sa babae

Hindi pa man ipinalalabas ang unang movie ni Iñigo Pascual, anak ni Piolo Pascual, ang Relaks, It’s Just Pag-ibig, may panibago na naman siyang pelikula. Eh sa nakaraang presscon ng movie mula sa Spring Films at distributed ng Star Cinema, halata sa mga pahayag ng teen actor na busog siya sa pangaral mula sa ama.

Pagdating kasi sa babae, paalala ng ama kay Iñigo na huwag seryosohin muna ang pag-ibig. Mag-focus sa career upang matupad ang lahat ng pangarap niya.

Eh, kahit na nga tinuran ng kapareha niya sa mo­vie na si Sophia Andres, na type siyang ma­ging boyfriend,  hindi niya ito binigyan ng malisya at sinabing relaks lang daw muna siya pagdating sa pagkakaroon ng girlfriend, huh!

Nasa cast din ng kilig teen movie sina Julian Estrada na anak ni Sen. Jinggoy at ang ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COMEDY KING

DANIEL PADILLA

DAW

ERICKA VILLONGCO

LANG

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with