^

Pang Movies

Natapos na pelikula ni Jinggoy nabaon na!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mas una pang maipalalabas ang movie ni Julian Estrada kesa sa kuya niyang si Jolo Estrada. Nasa cast ng movie na Relax It’s Just Pag-ibig ang bunsong anak na lalaki ni Sen. Jinggoy Estrada.

Pero si Jolo, kasama sa Joey Reyes movie na Tatay na bida si Sen. Jinggoy. Tapos na ang pelikulang ito pero dahil sa nangyari sa senador, wala pang katiyakan kung kelan ito isu-showing.

Ang co-stars ni Julian sa movie ay sina Iñigo Pascual at Sofia Andres mula sa direksyon nina Antonette Jadaone at Irene Villamor.

Siyempre pa, proud ang senador sa achievement na ito ng anak and at the same time pressured komo at baka ikumpara siya sa anak, huh!

Gianna Revilla umayaw na sa showbiz

Tumigil na pala sa pag-aartista ang anak nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado na si Gianna Revilla. Isa siya sa ipinakilala ng GMA Artist Center sa isang youth-oriented show kasama rin ang anak ni Boyet de Leon.

Mas binigyan ng priority ng dalaga ang pag-aaral kesa sa mag-artista. Eh, si Cong. Lani naman, although continuing ang role niya sa Strawberry Lane, hindi muna siya humingi ng taping dahil sa trabaho niya sa Kongreso at siyempre, ang pag-iistima sa kalagayan ng asawa niya sa Camp Crame.

Malapit na rin ang Pasko.  Hindi man normal ang sitwasyon ng pamilya Revilla this Christmas, tiyak naman na gagawin pa rin nilang masaya ‘yon kapiling si Sen. Bong.

Carlo at Donna Caparas hindi na aktibo buhay ng transgender na pinatay malabong maisapelikula

Sayang at wala nang masyadong movie producers ngayon. Aba, kung marami pang produ­cers, kinuha na ang rights upang isapelikula ang buhay ng transgender na si Jennifer Laude, huh!

Madrama rin ang imbestigasyong nangyayari sa pagkamatay niya. Dumag­dag pa sa drama ang kanyang German fiancé na hayun at pinigilan ng Bureau of Immigration and Deportation na makalabas ng bansa, huh!

Puwedeng-puwede na sanang maging bida ang naging contestants ng Super Sireyna upang papelan ang role niya. O ‘di kaya, ‘yung bading sa indie movie na Quick Change na winner pa ng best actor award.

Sa aspetong ito nami-miss ng showbiz ang mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa. Mabilis silang umaksyon upang maisapelikula ang ganitong pangyayari gaya ng mga sinimulan nila sa mga massacre movies, huh!

vuukle comment

ANTONETTE JADAONE

ARTIST CENTER

BONG REVILLA

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CAMP CRAME

CARLO CAPARAS

DONNA CAPARAS

GIANNA REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with