^

Pang Movies

Kylie na-trauma kay Aljur, ayaw na uling magka-BF ng taga-showbiz

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May iba palang Kapuso actresses na nakasabay si Kylie Padilla na nag-audition for the life story ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, para sa ­Ilustrado, una sa Bayani Serye ng GMA News and Public Affairs. Si Alden Richards ang gumanap sa role ni Rizal. Natuwa si Kylie nang siya ang makapasa sa audition, kaya bago sila nagsimulang mag-taping, pinaghandaan na niya ito.

“Saka ko pa lamang nalaman na gagampanan ko pala ay role ni Leonor Rivera, natuwa ako at na-in love agad sa character niya,” kuwento ni Kylie. “As Leonor Rivera, malungkot ang buhay niya, she was a lonely woman, pero strong-willed, mahal niya si Pepe pero maraming bagay na hindi pwede sa kanilang dalawa. Tinulungan ako nina Direk King Marc Baco na i-release ko ang emosyon ko sa med­yo mahihirap na eksena. At dito ko naman nagamit ang mga naranasan ko na noong may lovelife pa ako,” salaysay ni Kylie.

Natanong tuloy si Kylie tungkol sa pagbabati na nila ni Louise delos Reyes at ang relasyon nila ngayon ni Aljur Abrenica.

“Yes, po, nagkabati na kami, kasi naman bago pa iyong issue, friends na talaga kami ni Louise. Pero hindi pa rin ako ready na makasama siya sa isang project, need ko pa ring mag-let go, at least maayos na kami.

“Pwede siguro kung kontrabida ang role ko, kasi ayaw ko na ring ma-type-cast na lagi na lamang mabait. ‘Pag kontrabida ako, pwede kong i-release ang emotions ko,” nagtatawa pang sabi ni Kylie.

“Three years din kami ni AJ (Aljur), inaamin ko, nabaliw din ako sa kanya, minahal ko siya, pero ngayon, kahit nag-uusap na kami, hindi ko na kaya siyang tanggapin kung babalik siya muli sa akin. Nag-try kaming ayusin ang relasyon, pero ako na rin ang nagsabing hindi na pwede, nakakapagod.   Gusto ko kung magkaka-boyfriend ako muli, hindi na taga-showbiz.”

Mapapanood na simula sa Lunes, October 20, ang Ilustrado sa primetime telebabad ng GMA-7.

Invited sa kasal ang mananalo Dingdong at Marian may pa-contest para sa fans

Gusto ng ikakasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na makasama ang mga fans nila, pero hindi naman pwedeng maimbita silang lahat. Kaya nag-isip sila kung paano mapipili ang mga fans na dadalo sa wedding reception nila sa December 30, na hindi sila magtatampo. Titled Official Wedding Preparations Hashtag, kailangan lamang mag-isip kayo ng original na hashtag suggestions for the preparation leading to the D-Day at kung maka-reach sila ng 555,555 likes iri-release nila ang list of finalists. Posted sa www.Facebook.com/IamDongDantes ang rules and regulations kung paano kayo makakasali.  Ang mananalo ay padadalhan ng personal invitation to the reception.

vuukle comment

AKO

ALJUR ABRENICA

AS LEONOR RIVERA

BAYANI SERYE

DINGDONG DANTES

DIREK KING MARC BACO

DR. JOSE RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with