^

Pang Movies

Sandara, ‘di nakalimutan ang dating adviser!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sandara, �di nakalimutan ang dating adviser!
Sandara at Teacher
STAR/File

Ang bongga naman ni Sandara Park na emosyonal na nagkaroon ng reunion sa kanyang adviser noong siya’y Grade 6 pa lang.

Sa kanyang latest vlog serye na It’s More Fun with Dara Tour sa Pilipinas ay dinala niya ang kapwa 2NE1 member na si Minzy sa kanyang dating lugar sa Pasay City. Pumunta sila sa Philippine Pasay Chung Hua Academy at ito ulit ang unang beses niyang pagbisita roon kahit na madalas siya sa bansa.

Pumunta sila sa isang classroom pero hindi nito akalain na makikita niya ang kanyang Grade 6 adviser at dali-dali siyang yumakap doon.

Tinanong siya nito kung naaalala pa siya nito at laking gulat nga ng K-Pop idol na naroon pa rin ang adviser.

Nang magyakapan nga sila ay hindi mapigilan ni Sandara na maging emosyonal.

Inilarawan siya ng dating guro bilang sobrang tahimik at ni hindi man lamang daw ito nagre-recite sa klase noon at ang kaibigan pa raw nito ang pinagsasalita nito.

Pero hindi raw nila akalaing magiging ganito kaganda at ka-confident ang kanyang dating estudyante.

“She has also kept her values, she is a very fine lady,” pahayag pa ng teacher. At inasar pa nito si Sandara kung bakit hindi pa ito kinakasal hanggang ngayon.

Pero proud talaga siya na marunong na itong mag-Tagalog at sa tagumpay na tinatamasa nito.

Hindi raw makakalimutan ni Sandara ang kanyang teacher dahil ito raw ang naggabay sa kanya noong nagkainteres siyang sumali sa choir at mag-perform at hindi siya nito pinabayaan.

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with