^

Pang Movies

Pauleen at Lani nakayanan lahat ng mga hirap sa pagiging ina

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pauleen at Lani nakayanan lahat ng mga hirap sa pagiging ina
Pauleen Luna at Lani Mercado

Kahanga-hanga ang pagiging ina ni Pauleen Luna.

Dahil bata siya nung maging Mrs. Vic Sotto talagang marami ang hindi makapaniwala na malalagpasan niya ang mahirap na journey lalo na nga sa age gap nila ni Vic.

At hindi mo aakalain na makakaya niya at her age na alagaan ang dalawang anak nila ng mister. Pero surprisingly, isang kahanga-hangang Mrs. Vic Sotto si Pauleen.

At kahanga-hanga rin siyang ina nina Talitha at Mochi.

Mahusay rin niyang napapatakbo ang kanilang household kaya wala kang narinig na reklamo.

Hands on siya sa pag-aalaga ng kanyang mga anak kaya lumalaking very bibo at mabait si Talitha.

Talagang maganda ang naging pagpapalaki ni Pauleen sa mga anak dahil na rin siguro sa guidance ng kanyang Mommy Chat.

Isa pang gusto kong purihin ay si Lani Mercado na lahat na yata ng pagsubok sa buhay bilang isang Mrs. Bong Revilla nadaanan na pero hanggang ngayon hayun at matatag na maybahay pa rin ni Bong Revilla at reyna ng kanilang household.

Isang maipagmamalaki ko na talagang ipinaglaban ni Lani ang korona niya bilang wife ni Bong kaya naman heto at may mga apo na sila at together pa rin sa kabila nang mga dinaanang lubak ng kanilang pagsasama. Ganyan lang naman ang mag-asawa dapat unconditional ang love sa isa’t isa para talagang maging together forever.

Kaya binabati ko sina Lani at Pauleen ng Happy Mother’s Day dahil mga idolo sila ng maraming nanay.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with