^

Pang Movies

Rayver nahilo nang ma-head butt ni Kylie

Rodel Lugo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Very positive na ang aura at masayang-masaya si Kylie Padilla nang minsang sorpresang bumisita sa aming opisina. Hindi mo na kakikitaan ng kalungkutan sa mukha ang dalagang anak ni Robin Padilla. Tila naka-move on na nga siya sa masalimuot na breakup nila ni Aljur Abrenica, na inamin niyang kanyang first love. “Akala ko noon siya na,” banggit ni Kylie na sobrang na-in love sa ex BF of three years.

Dahil sa nangyari sa anak, pinilit ni Binoe na sa kanila na muna tumira ang maganda at ngayo’y masayahing singer-actress. (may debut album siya titled, Seasons, TV project na Ilustrado, at first movie niyang Dilim)

Kumusta naman bilang mother si Mariel Rodriguez? “She’s very caring.” Todo-alaga at sobrang maalalahanin daw na nanay si Mariel sa kanila. At totoong puro organic ang kinakain nila sa bahay, sa labas lang ‘pag nagtatrabaho ang dalaga nakakatikim ng mga “sinful” na pagkain.

Sa isyu naman ng pag-alis diumano ni Binoe sa bansa dahil hindi na ito natutuwa sa nangyayari sa ‘Pinas. Hindi masyadong sineryoso ni Kylie ang mga naglabasang balita tungkol dito. “Si papa very ano...nationalistic, sobrang mahal niya ang Pilipinas.” Pero sakaling totohanin ng ama na umalis dito, hindi raw sasama si Kylie na mag-migrate sa ibang bansa.

At kahit pa sinabi ng dalaga na masaya siyang single at kinikilala pa ang sarili, inamin naman nitong may mga manliligaw siya. Though ayaw papilit kung sino ang guy at magbigay ng clue kung saang network galing ang umaaligid sa kanyang mhin.

Hindi kaya ang Kapamilya hunk actor na si Rayver Cruz ang nanliligaw kay Kylie? Tuwing nababanggit kasi sa usapan ang pangalan ng poging ex ni Cristine Reyes ay halatang kinikilig ang dalaga. Kuwento kasi ng anak ni Binoe, nakakaharutan daw niya (Read: harutan – parang playful kids and not like lovers) sa set ng kanilang pelikulang Dilim, with October play date ang nakababatang kapatid ni Rodjun Cruz. Nakakatawa pang kwento niya, “nahilo siya,” nang minsan raw na-head butt niya ito sa kanilang kulitan.

Well, sa kulitan at friendship naman talaga nagsisimula ang lahat. Tama lang na mag-enjoy muna si Kylie sa pagiging single at anumang meron siya sa mga lalaking kaibigan. At kung mas lumalim man ang friendship nila ni Rayver saka na lang sila mag-decide kung saan sila mas magiging masaya.

Anyway, makakasama rin nina Kylie at Rayver sa Regal film ni Direk Joey Reyes na Dilim sina Joross Gamboa, Rafael Rosell, Nathalie Hart, at Ella Cruz. Showing na ang Halloween movie nila next month, na airing din ng primetime “bayani serye” nila nina Alden Richards at Solenn Heussaff na Ilustrado.   

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

CRISTINE REYES

DILIM

DIREK JOEY REYES

ELLA CRUZ

ILUSTRADO

JOROSS GAMBOA

KYLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with