^

Pang Movies

May hawak na ebidensiya sa cell phone, aktor na tahimik, malumanay, at palangiti, pinaliliguan ng malulutong na mura ang PA

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang nagulat sa male celebrity na ito sa kung paano niya tratuhin ang kanyang PA or personal assistant.

Ubod ng lutong kung magmura ang male celebrity na ang image ay tahimik, malumanay magsalita, at palangiti pa naman.

Hindi nila inaasahan na gano’n pala ang bibig nito kapag nagagalit. May pruweba ang PA niya dahil na-record sa kanyang cell phone ang boses ng male celebrity na nangingibabaw ang boses sa kamumura.

Ginawa lang ito ng PA para masabing hindi siya nag-iimbento at sinisiraan lang ang pinagsisilbihan niyang male celebrity. Marami naman ang nakakakilala sa boses nito at sobra silang na-turn off sa pag-uugali ng inakala nilang mabait at mapakumbabang male celebrity.

Sa panlabas ay mukhang mabait ito dahil parating nakangiti. Pero kapag silang dalawa na lang daw ay kung anu-anong masasamang salita ang lumalabas sa bibig nito.

Kung puwede nga lang daw kasuhan ng PA ang male celebrity, ito ay “verbal abuse” dahil sa buong araw na magkasama sila, never siyang nakarinig ng puri mula rito. Kundi panlalait daw parati.

“Umaga pa lang ay kung anu-ano na ang mga sinasabi niyang hindi maganda. Mali lang ang naiabot kong sapatos sa kanya, mura agad.

“Kung hindi ko lang iniisip ang mga taong umaasa sa akin, lalayasan ko na itong si male celebrity kasi sobra na siya. Balang araw, makakahanap siya ng katapat niya,” sey pa ng PA

Tatapusin na lang daw ni PA ang ilang linggo at lalayasan na niya ang male celebrity. Babalik na lang daw siya sa pagtatrabaho sa salon ng kaibigan niya. At least daw doon ay hindi sumasama ang loob niya dahil walang tao na tatadtarin siya ng mura.

Kasal nina Brad at Angelina parang picnic lang kasama ang mga anak

Lumabas na on the cover of People magazine at Hello magazine ang wedding photos ng bagong kasal na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Ikinasal ang Hollywood couple last August 23 sa kanilang Chateau Miraval in France na dinaluhan lang ng 22 guests.

Sa dalawang magazines ay makikita ang bridal gown ni Angelina at pati na ang ilang exclusive photos ng kanilang wedding kasama na ang family photo with their six kids na sina Maddox, Pax, Zahara, Shiloh, at ang kambal na sina Knox and Vivienne.

Ang suot ni Angelina na wedding gown ay gawa ng Atelier Versace. Ivory-colored ito with a satin scoop neck. May fitted bodice ito and a swee­ping skirt.

Para maging special ang wedding gown, itinahi ng master tailor ng Atelier Versace na si Luigi Massi ang ilang colorful drawings ng mga bata sa likod ng gown. Pati na sa veil ni Angelina ay merong mga dra­wing ng flowers, animals and people drawn by the Jolie-Pitt kids.

“Luigi is like family to me and I couldn’t i­magine anyone else making this dress,” sey ni Jolie sa People.

“He knows and cares for the children and it was great fun putting it together.”

Minimal jewelry ang suot ni Angelina at nakataas ang kanyang buhok.

Ito ang ikatlong beses na ikasal si Angelina. Una siyang ikinasal sa aktor na si Johnny Lee Miller at ikalawa sa aktor na si Billy Bob Thornton.

Ang suot naman ni Brad ay isang recycled suit na matagal nang nasa closet niya. Ito ang second time na ikinasal si Brad after nilang maghiwalay ni Jennifer Aniston in 2004.

Naging malaki ang participation ng anim na anak ng couple sa kanilang kasal. Si Maddox at Pax ang kasama ni Angelina na maglakad sa aisle papunta sa altar, samantalang sila Zahara at Vivienne ang mga flower girls. Sila Shiloh at Knox naman ay ang mga ring bearers.

Ang mga bata rin ang nagsulat ng wedding vows ng parents nila. At si Pax ang gumawa ng wedding cake nila.

The next day after ng wedding ay balik sa kanilang mga trabaho ang mag-asawa. Lumipad agad si Mr. Pitt to England para sa promotion ng pelikula niyang Fury at doon nakita na suot niya ang kanyang wedding ring.

Si Mrs. Pitt naman ay pumunta sa Malta para sa preparation ng pagdirek niya ng pelikula nila ng kanyang mister na By the Sea.

Ito ang muling pagsasama nila Brad at Angelina sa big screen after the box-office hit Mr. & Mrs. Smith in 2005.

vuukle comment

ANGELINA

ATELIER VERSACE

CELEBRITY

LANG

MALE

NIYA

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with