^

Pang Movies

Boyet puring-puri si KC

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Maraming nakapuna na nangayayat si Christopher de Leon na kasama sa Ikaw Lamang kung saan may malaking pagbabago ngayong Agosto dahil sa pagpasok ng mga bagong karakter na binubuo ng pinakamahuhusay na aktor sa bansa.

May pinagdaraanan ngayon sina Boyet at asawang si Sandy dahil ang anak nilang si Miguel ay may kanser.

“Gustuhin ko mang narun sa tabi niya ngayon ay umuwi pa rin ako ng Pinas dahil sa commitment. He’s okay at nasa ICU sa one of the best hospitals sa Amerika,” imporma ni Boyet.

Puring-puri ni Boyet ang mga kasamahang artista gaya ni Coco Martin kung saan sinabing magaling itong umarte at napakapropesyonal.

Para sa aktor malaki naman ang ipinagbago ngayon ni KC Concepcion.

“She’s really serious in what she is doing now. She’s like my daughter, sweet kaya ang ganda ng chemistry namin,” aniya.

Tampok ngayon sa Ikaw Lamang ang bagong hanay ng seasoned actors na sina Amy Austria, Joel Torre, Rio Locsin, Nonie Buencamino, Alora Sasam, Mylene Dizon, Smokey Manaloto at Jojit Lorenzana sa direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo at Avel Sunpongco at isa sa obra ng Dreamscape Enertainment Television.

The other woman sa love hotline

Tiyak na makaka-relate na naman ang mga manonood sa Love Hotline dahil tatalakayin kung ano ang gagawin ng isang babae kapag nalamang may “other woman” pala ang kanyang mahal.

Matapos ang dalawang taong relasyon ni Ryan Serate sa ina at kinakasama niyang si Laarni de Luna ay malalaman ng babae na kaya pala ‘di matuluy-tuloy ang kasal na ipinangako sa kanya ay dahil mayroon siyang pamilya – si Mariz at apat na taong gulang ana anak.

Saan kaya hahantong ang pagtatapat ni Ryan kay Laarni?

Bibigyang buhay ang kwento nina Rocco Nocino, LJ Reyes at Dexter Doria ngayong Biyernes sa Love Hotline, 4:15 ng hapon kasama rin sina Jean Garcia at love expert na si May Soriano.

vuukle comment

ALORA SASAM

AMY AUSTRIA

AVEL SUNPONGCO

BOYET

COCO MARTIN

DEXTER DORIA

IKAW LAMANG

LOVE HOTLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with