^

Pang Movies

Jericho, may tribute sa BFF ng 30 years

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jericho, may tribute sa BFF ng 30 years
Jericho Rosales.
STAR/ File

Tatlong dekada na ang lumipas mula nang magsimula ang journey ni Jericho Rosales sa entertainment industry.

At sa pagdiriwang niya ng kanyang 30th showbiz anniversary ngayong Nobyembre, hindi lang ang kanyang mga achievement ang kanyang binalikan kundi pati na rin ang mga taong naging bahagi ng kanyang journey bago pa man siya sumikat.

Isa sa mga taong espesyal na binigyang-pugay ni Jericho ay ang kanyang longtime best friend na si Ryan Manalo, na aniya ay kasama na niya even before fame and success came into his life.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Jericho ang kanilang friendship na nagsimula pa noong kabataan nila.

Aniya, ang kaibigan niyang ito ang nagbibigay ng damit sa kanya noong bata pa sila, noong panahong nagtitinda sila sa palengke. “30 years sa industriya ngayong Nobyembre. I wanna thank this person who gave me clothes when we were kids. Palengke days partner and we used our earnings to buy G.I. Joe action figures after abot kay mama,” simula ni Jericho.

Pati ang nickname niyang Echo ay si Ryan din daw ang nakaisip at ito rin daw ang nag-encourage sa kanya na sumali sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga kung saan nagsimula ang kanyang career. “The one who gave me the idea to use Echo as my pizza store service crew nickname because we both loved the band called Echo & The Bunnymen.

“The same person that pushed me to join Mr. Pogi 30 years ago just to earn a bit of money,” aniya.

“He became my roadie. Did an acting gig as my driver in one of my early series with Kristine Hermosa. Taught me how to invest my earnings,” pagkukuwento pa ng aktor sa mga nagawa sa kanya ng kaibigan.

“My best friend. My ride or die. He always looked out for me. I’m so blessed to have you @iamryancmanalo Uwi ka muna tol, maraming adventures na naghihitay. ILYSM. Isang naglalaganlab na THANK YOU,” ang madamdaming mensahe ni Echo sa kaibigan.

“Treinta. Malayo na rin (Simula) na mga selebrasyon!” pagtatapos ng aktor.

Baby Doll, may natutunan sa panaginip na keme kay Donny!

Okay na ang lahat sa pagitan nina Donny Pangilinan at Baby Dolls member na si Juby.

Ayon sa dancer/singer sa guesting ng grupo sa  Fast Talk with Boy Abunda, nagkausap na raw ang management nila at okay na ang lahat.

Sinabi rin ni Juby na malaki rin ang naging epekto sa kanya ng issue at naging aral ito sa kanya. “I would say na it hit me on my rock bottom, Tito Boy. Parang ang dami kong realization. And since kaka-start lang namin, I would consider that as learning experience ko po and namin,” aniya.

Dagdag pa niya, “And now that we have this platform po, siguro po magiging extra careful po ako and kami.”

Matatandaang naging kontrobersyal ang sinabi ni Juby sa guesting ng grupo sa Gandang Gabi Vice kamakailan na napanaginipan niyang kinekeme siya ni Donny.

Hindi nagustuhan ng fans ni Donny ang tila malisyoso niyang kwento kaya naman katakut-takot na pamba-bash ang natanggap niya.

JERICHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with