^

Pang Movies

Tattoo sa katawan ni Ellen, nakakasira!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sexy talaga ang dating ni Ellen Adarna noong i-launch siya ng Bench bilang latest model nila para sa kanilang Bench Body lines. Pero doon sa kanilang AVP (audio-visual presentation), marami ang nag-comment na sayang daw, kasi ang kinis nga at ang puti ng katawan ni Ellen pero nakaka-distract talaga iyong kanyang tattoo sa katawan. Siguro talagang hanggang ngayon hindi pa sanay ang marami sa atin na makakita ng mga babaeng may tattoo.

Pero sabi nga namin, hindi naman ang tattoo ang pinag-uusapan eh, kung ‘di iyong suot niyang body wear ng Bench.

Pero nagkakatawanan nga kami, dahil ang talagang mukhang nakaagaw ng pansin ng mga taong naroroon ay noong lumabas ang  male models ng Bench Body sa pangunguna ni John Spainhour. Matagal nang nagmo-model sa Bench iyang si John. Hindi naman masyadong napapansin iyan eh, kaya lang natangay nga siya sa mga controversy nang madalas siyang maging guest sa show ni Kris Aquino. Madalas naman daw siyang makumbida roon simula nang makita siya ng presidential sister sa isa sa mga parties ng Bench, at mula nga noon madalas na siyang imbitahin sa show ng presidential sister lalo na  sa out of town locations.

Dahil wala na namang naging local pageant, para maging kinatawan ng Pilipinas sa ginanap na Mr. World, napili si Spainhour at noong una marami ang umaasa dahil kung natatandaan ninyo, naging runner-up diyan ang football player na si Andrew Wolf. Pero sa malas, ni hindi nga naka-akyat si Spainhour kahit sa mga semi-finalist lamang. Huwag naman kayong magbibintang na may malas kaya natalo si John.

 

Kuya Germs idinipensa ang sarili sa binigyan ng award na hindi kilala

Mabilis namang nagpaliwanag si Kuya Germs na wala raw favoritism sa kanyang ginawang pamimili ng binigyan niya ng Youth Achievement Award sa taong ito. Wala namang nagsasabing may umiral na favori­tism, nagkataon nga lang siguro na mayroon siyang nabigyan ng award na hindi kilala ng mga tao kung sino kaya nagtatanong sila. Hindi naman sa sinasabing walang narating, o walang K, nagkataon nga lamang na may mga nabigyan siya ng award na hindi talaga kilala ng mga tao.

Pero wala namang umaangal sa kanya, kasi kagaya nga ng sinabi namin, prerogative niya iyon kung sino ang bibigyan niya ng award. Kagaya rin naman nang sinasabi naming prerogative ng PMPC nang gawin nilang best actor si Vice Ganda. Prerogative din ng presidente nang ilaglag niya sa listahan ng National Artists si Nora Aunor. Prerogative din naman ng mga Manunuri nang piliin nila para manalo sa kanilang awards ang mga artista at pelikulang hindi kumita. Walang puwedeng umangal diyan.

 

Male starlet pabulong na umaalma sa pambababoy ng manager

Nagulat kami noong ikuwento sa amin na naglili­tanya raw ang isang male starlet ng kanyang mga reklamo laban sa kanyang mentor. Sinasabi pa ng male starlet na inaabuso raw siya ng kanyang mentor na alam naman ng lahat na bading. Pero masusuot ba naman siya sa ganyang sitwasyon kung noong simula pa lang ay umangal na siya? At saka bakit ngayon pabulung-bulong lang siya sa mga reklamo niya? Bakit hindi niya ilabas at sabihin nang diretsahan kung talagang tingin niya “nabababoy at napakarumi” na niya dahil sa ginagawa ng kanyang mentor?

 

vuukle comment

BENCH BODY

KUYA GERMS

NAMAN

NANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with