^

Pang Movies

Rey natuwa sa hiwalayan nina Carla at Geoff

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakwentuhan namin si Rey ‘‘PJ’’ Abellana sa presscon ng Edukasyon: Debosyon ng Isang Guro at tinanong ito kung ano ang reaksyon niya sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Ayon dito, natutuwa siya sa paghihiwalay ng dalawa dahil mas makakapag-concentrate ngayon sa career ang anak.

‘‘Lagi kong sinasabi sa kanya na one at a time muna dahil mahirap pagsabayin ang pag-ibig at career. Kailangan focus muna sa trabaho. Ngayon, magiging abala na ito sa kanyang trabaho. Natutuwa ako dahil marami siyang project sa GMA- My Destiny at Ismol Family. May gagawin pa itong pelikula sa Regal Entertainment na pang-MMFF entry nila.’’

Inamin pa rin ni Rey ‘‘PJ’’ na lagi siyang nakasubaybay sa kanyang  anak at ipinagdarasal na sana’y magtagumpay pa ito sa kanyang pag-aartista.

Sa kabilang banda, 32 years na sa showbiz ang aktor at sa tagal niya sa industriya ay natutunan niyang maging mapagkumbaba. Dumarating daw sa puntong nalalaos ang isang artista pero ‘di dapat sumuko laluna sa mga intriga para maging matatag at ‘di nawawalan ng mga proyekto kahit maliliit na papel na lang. Kasama siya sa Edukasyon: Debosyon ng Isang Guro bilang ama ni Dianne Medina na siyang bida sa pelikula. Si Dianne ay dating Star Circle Talent ng ABS-CBN at may morning show sa TV5 kung saan siya ang host nito.

Daria ‘di nawawalan ng proyekto

Nagkita rin kami ni Daria Ramirez na isang malapit na kaibigang artista. Wala pa rin siyang pagbabago, mabait at marunong makisama sa mga press people. Maganda pa rin ito at napangalagaan ang pangangatawan.

Siya pa rin ang kasama ng nag-iisang anak na babae sa isang foreigner na namatay na. Hindi nawawalan ng proyekto si Daria sa TV at pelikula dahil kahit anong role ay kaya nitong gampanan.

Siya ang gurong si Estrella (ang tumandang Dianne Medina) sa Edukasyon na mas piniling magturo kasama ng mga bata sa kabundukan.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

DARIA

DARIA RAMIREZ

DEBOSYON

DIANNE MEDINA

EDUKASYON

GEOFF EIGENMANN

ISANG GURO

ISMOL FAMILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with