^

Pang Movies

Matapos ipahiya Kris aminadong hindi pa nakaka-move on kay Herbert, naghihintay pa ng sorry

- Vinia Vivar - Pang-masa

May bagong statement si Kris Aquino patungkol sa na-link (at patuloy pa ring nali-link kahit wala na sila) sa kanya na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa Aquino & Abunda Tonight last Wednesday ay hindi sinasadyang nasingit na naman si Bistek sa topic nila ni Boy Abunda. Na bagama’t walang name na binabanggit, obvious namang ang alkalde ng Kyusi ang tinutukoy ni Kris.

Ang topic kasi ay si Jane Oineza ng Pinoy Big Brother All in na nag-no comment nang tanungin ng housemates kung may ipinabago ba sa katawan o mukha si Kahtryn Bernardo.

Ang topic nina Kris and Kuya Boy, hindi raw maganda na sumagot ng “no comment” kung pwe­de namang sagutin ng yes or no.

Dito na humirit si Kris at say niya, may gumawa na rin daw nito sa kanya.

 â€œI’m sorry, they’ll say na ‘hindi pa siya nakaka-move on,’ tama po, hindi pa talaga, may galit pa ng kaunti,” natatawang pagbibiro ni Kris.

Pero naging seryoso siya nang sabihin niyang naghihintay siya ng “sorry” mula kay Bistek, without mentioning his name, of course.

 â€œNo, ito na lang... I’ve been waiting for a sorry, at personal sorry. Kasi parang nasabi ko, ‘Hiniya mo naman ako sa buong publiko, sana naman, kahit tayong dalawa lang na magkaharap, sana nag-sorry ka sa akin,” say ni Kris.

Iwa ibinukong, annulled na sina Pampi at Jodi

Isa si Iwa Motto sa grand finalist sa Celebrity Dance Battle ng TV5 hosted by Lucy Torres-Gomez and the Semerad twins at kahit kapapanganak lang niya, talagang kinarir niya ang pagsasayaw hanggang sa lima na nga lang silang natirang grand finalists.

Ayon kay Iwa nang makatsikahan namin sa presscon last Tuesday, nag-enjoy siya talaga sa show and at the same time ay nakatulong talaga sa kanyang pagpayat.

Aniya ay hindi raw pala biro ang maging dancer kaya naman sobrang tumodo raw ngayon ang respeto niya sa mga mananayaw dahil hindi madali ang ginagawa ng mga ito.

“As in sky level talaga dahil ibang klase pala ang hirap na pinagdadaanan nila. Akala ko dati, easy-easy lang, hindi pala. Pamatay pala ‘to, buwis-buhay pala ‘to,” say ni Iwa.

Sa grand finals na ieere sa Saturday, June 28, ay makakalaban niya ang mga kapwa-grand finalists na sina Priscilla Meirelles, Gary David, Ciara Sotto, and Rafa Siguion-Reyna.

Ano naman ang gagawin niya sa P1M na mapapanalunan kung saka-sakaling magwagi siya?

“Hati kasi kami ng partner ko. Sinasabi ko sa kanya, equally divided tayo. Pero mas kailangan kasi talaga ng partner ko dahil recently, nalaman namin na his wife is diagnosed with, I think, breast cancer, I’m not sure kung ano pero may cancer.

“Kaya talagang nagpu-push ako na manalo as in everyday, sabi nga sa akin ni Pampi (Lacson, her live-in partner), “love, hindi na kita nakikita,” kasi kahit Father’s Day, nagte-training kami.”

May time pa naman daw sila sa baby nila ni Pampi kasi hapon naman sila nagte-training. So, morning and night ay para naman sa baby niya na 9 months na ngayon.

Dahil nga sa anak niya, pakiramdam daw niya ay fulfilled and complete na siya at wala na raw siyang mahihiling pa. Malaki na rin daw ang ipinag-mature niya at talagang ito raw ang nagpabago sa kanya completely.

Kumusta naman sila ni Pampi?

 â€œOkay naman kami. Kalmadong eklavu lang,” she said.

When asked kung nagpaplano na ba silang pakasal, say ni Iwa ay kasalukuyang nasa proseso pa raw ang annulment case niya sa dating asawa. Si Pampi raw ay okay na pero sa part niya ay may problema pa kaya hindi pa pwede.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BISTEK

BOY ABUNDA

CELEBRITY DANCE BATTLE

CIARA SOTTO

NAMAN

NIYA

PAMPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with