^

Pang Movies

Napaamin tuloy sa kanila ni Rocco, Lovi hindi nakapagsinungaling kay Alessandra!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Bumagay kay Lovi Poe ang medyo namumutok na pisngi, mas lalo siyang gumanda.  Hindi na maikakailang she’s in love at hindi na siya nakatanggi sa best friend na si Alessandra de Rossi sa tanong kung sila na ni Rocco Nacino, nang mag-guest sila sa Sarap Diva ni Regine Velasquez-Alcasid.  Nag-guest ang dalawa to promote their new drama series na Ang Dalawang Mrs. Real.  Hindi man diretsong sumagot ng ‘yes’ si Lovi, inamin naman nitong may nagpapasaya sa buhay niya ngayon at nandun daw ang guy, na ipinakita naman sa camera si Rocco na sinamahan siya sa taping.

Based sa trailer ng Ang Dalawang Mrs. Real, parehong minahal at pinakasalan ni Dingdong Dantes nang sabay sina Maricel Soriano at Lovi. 

Naiibang story ito ni Suzette Doctolero na writer din ng My Husband’s Lover at Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw), at dinidirek ni Andoy Ranay. Mapapanood na ito simula sa June 2, pagkatapos ng Kambal Sirena.

Zsa Zsa sa bahay na ng dyowa magbi-birthday party!

Happy birthday to Ms. Zsa Zsa Padilla tomorrow, May 28.  Balitang ang kanyang birthday party ay gagawin sa bahay ng kanyang boyfriend na si Arch. Conrad Onglao sa San Lorenzo Village in Makati City.  Ang tanong, hindi raw kaya ang kasunod na ng birthday party ay ang wedding naman nina Zsa Zsa at Arch. Onglao?

Jessica at Jiggy tumanggap ng award sa New York

Muling tumanggap ang GMA Network ng prestigious George Foster Peabody Award dahil sa extensive coverage ng mga news program nilang State of the Nation with Jessica Soho, 24 Oras, Saksi, 24 Oras Weekend at Kapuso Mo, Jessica Soho ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan) last November 2013.  Ang fourth Peabody Award ay personal na tinanggap nina GMA News & Public Affairs Senior Vice President Marissa Flores, First Vice President for News Program Jessica Soho and news anchor/reporter Jiggy Manicad, sa isang ceremony sa Waldorf-Astoria in New York

Claudine sinabihang magbawas ng taba para mabigyan uli ng trabaho

Totoo kayang babalik na sa ABS-CBN/Star Cinema si Claudine Barretto?  Bumisita si Claudine last week sa dati niyang network kaya maraming nagsabing siguro raw ay makikipag-usap na si Claudine para muli siyang gumawa ng project sa kanila.  Pero balitang sinabihan si Claudine na mag-lose pa ng around fifteen pounds para mas maganda siyang mag-register sa screen.  Si Claudine ay managed ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment.

 

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

BOSS VIC

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

JESSICA SOHO

MRS. REAL

NEW YORK

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with