^

Pang Movies

Vhong nawawalan nang nerbiyos

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Unti-unti nang nawawala ang agam-agam sa puso ni Vhong Navarro. Hindi man agad-agad na mawala ang nerbiyos at ngitngit, pero mas nakakatulog na siya nang panatag matapos ang tila bangungot na nangyari sa kanya sa kamay ng mga taong bumugbog sa kanya dahil kuno sa akusasyong nang-rape siya ng babaeng nasa kampo ni Cedric Lee at iba pa.

Ang tiwala ni Vhong sa Diyos, sa katotohanan, at sa mga nagmamahal sa kanya ang naging kakampi ng aktor/komedyante at nagligtas sa kanya nang mahulog siya sa bitag ng kumunoy. May ganoon?!

Grabe talaga ang nangyaring trauma kay Vhong at kahihiyang naidulot niya hindi lang sa sarili kundi pati na rin sa mga mahal niya sa buhay. Buti na lang daw at kilala siya ng mga ito na mabait na anak, kapatid, kamag-anak, at kaibigan. Pero ang nagpatibay sa kanyang loob maliban sa kanyang mga anak ay ang Diyos. Super depressed daw siya noon! Kahit sino naman ang malagay sa puwesto niya ay malamang hindi alam ang gagawin dahil hindi lang buhay niya ang nakataya sa mga death threats sa kanya, kundi pati mga anak niya ay pinagbantaan din umano.

Pero may awa talaga ang Diyos. At salamat naman, kasi sabi nga niya, nakabangon na siya, nakabalik na siya sa It’s Showtime ng ABS-CBN at napapanood na siya ulit ng mga supporters niya.

Samantala, dinudumog naman hanggang ngayon ang kanyang pelikulang Da Possessed with her beautiful leading lady, Solenn Heussaff.

Ang hustisya ay nangingibabaw pa rin sa Diyos at sa kanya talaga nagtitiwala si Vhong.

PRAY FOR US…

Padre Pio of Pietrelcina Capuchin, Pray for us! For katotong Ernie Pecho. Nasa QC General Hospital po siya! Pagalingin ninyo po siya.

Wala pong imposible kay God!

vuukle comment

CEDRIC LEE

DA POSSESSED

DIYOS

ERNIE PECHO

GENERAL HOSPITAL

NIYA

SIYA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with