^

Pang Movies

Aktor na si Jan Manual, beki?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Confirmed na confirmed! Bading nga ang role na gagampanan ng Kapuso actor-comedian na si Jan Manual sa Holy Week Special ng CBN Asia na Ta­nikala na mapapanood ngayong Semana Santa sa GMA.

Sa unang episode ng Tanikala na pinamagatang My Sister, My Lover, gagampanan ni Jan ang kuwento ng buhay ni Art Duyan, isang dating bading na nakapag-asawa at nagkapamilya at ngayon ay pastor na. Makakasama ni Jan ang Kapuso co-star na si Sheena Halili na gaganap bilang si Cora, ang asawa ni Art.

Ayon kay Jan, hindi ito ang unang beses na gaganap siya bilang bading. Likas sa kanya ang pagiging magaling na komedyante kaya naman perfect na perfect ang role na nakuha niya. At dahil comedy-drama ang peg ng My Sister, My Lover, maraming eksena ang siguradong kaabang-abang.

“Hindi naman ako nahirapan kasi may mga previous gay roles na ako dati pero siyempre may mga awkward moments pa din lalo na kapag lalaki ’yung ka-eksena ko,” ayon kay Jan.

“Wala akong hesitations nung ini-offer ito sa akin ng CBN Asia kasi fami­liar na ko sa role. At alam kong si Lord ang tumutulong sa akin na magawa ng maayos ang pag-arte. Ginagawa ko ito para kay God. Swabe kapag para kay Lord mo ginagawa.”

Panoorin ang natatanging pagganap ni Jan Manual sa Tanikala: My Sister, My Lover sa April 17, Huwebes Santo, 5:30 p.m., sa GMA.

vuukle comment

ART DUYAN

HOLY WEEK SPECIAL

HUWEBES SANTO

JAN

JAN MANUAL

KAPUSO

MY LOVER

MY SISTER

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with