^

Pang Movies

Vice gusto uling ‘paglaruan’ si Sen. Nancy sa kanyang show

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tameme si Vice Ganda nang nagkaharap sila ni Sen. Nancy Binay sa birthday party ng isang taga-showbiz kamakailan.  Kaibigan kasi nilang pareho ang celebrant.  Pero kumukuha lang ng tiyempo si Vice na magkausap sila. Alam nilang nagtampo  sa kanya si Nancy nang sabihan nito ito na kandidatong walang background sa pulitika.

Eh palaban din pala si Nancy. Vice president yata ang tatay niya! Kaya ang nangyari sa party, picture-picture lang silang dalawa ng senadora, na maputi na ngayon ha?

Gustong i-guest ni Vice Ganda si Sen. Nancy sa kanyang TV program. Ewan lang kung may time ito. O baka maisip niyang ookrayin lang siya sa Sunday program ng gay comedian. Kaya baka ’wag na lang.

Aiko iba nang magsalita

Born Again Christian na pala ngayon ang dating konsehalang si Aiko Melendez kaya sa mga nakakapuna ay malaki na ang ipinagbago ng ugali nito at gawi. Lalo na sa paraan nito ng pagsasalita. Tuwing magsasalita siya, may halong respeto na sa Diyos. 

“Kung tatanungin ninyo ako ngayon, ang gusto kong mapangasawa ay isang Christian din,” sabi niya.

Sogo, matagumpay sa feeding program

Nagkaroon ng Sogo Urban Adventure Race nitong huling araw ng March. Ang race na ito ay tinampukan ng Elite Man and Elite Mixed categories at isang Fun Race Category.

Hindi man nakarating si Mayor Joseph Estrada, naging matagumpay ang okasyon kasabay ang feeding program na ibinigay ng Sogo Hotel sa mga street children.

Dahil sa enthusiastic response ng mga sumali sa race, tiyak na masusundan pa ito sa isang taon dahil naglaan sila ng malalaking cash prizes.

                                     

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BORN AGAIN CHRISTIAN

ELITE MAN AND ELITE MIXED

FUN RACE CATEGORY

KAYA

MAYOR JOSEPH ESTRADA

NANCY BINAY

SOGO HOTEL

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with