^

Pang Movies

Miriam Quiambao buntis na nang ikasal?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Iniintriga na buntis si Miriam Quiam­bao dahil malaki ang kanyang puson sa wedding gown na ginamit niya sa kasal nila ng motivational speaker na si Ardy Roberto.

To the rescue ang friends ni Miriam. Hin­di raw buntis ang Filipina beauty na first runner-up sa Miss Universe noong 1999.

Baka napagkamalan na may baby bump si Miriam dahil may kalakihan nga ang kan­yang puson. Kapag malaki ang puson, buntis agad?

At kung sakaling buntis si Miriam, so what naman eh married woman na siya? Para sa mga ayaw maniwala na hindi preggy si Miriam, hintayin n’yo na lang ang kanyang admission o denial. Huwag n’yo nang pahirapan sa pag-iisip ang inyong mga sarili!

Heart sure na sure na sa engagement sa isang taon

Nagbigay ng hint si Heart Evangelista na engaged na sila ni Sen. Chiz Escudero sa susunod na taon.

Walang nabigla sa sinabi ni Heart dahil prangka siya sa pagsasabi na si Papa Chiz ang gusto niya na makasama forever and ever. Si Papa Chiz ang huling mhin sa kanyang buhay.

Para magsalita nang gano’n si Heart, sure na sure na siya na si Papa Chiz ang lalaki na pakakasalan niya.

Si Heart ang cover girl ng April issue ng YES! Magazine. Ipinakita niya sa YES! ang bahay na tinitirhan niya sa Quezon City. Nakatira sa iisang village sina Papa Chiz at Heart. Walking distance lamang ang mga tahanan nila.

Ang April issue ng YES! ang ipinamigay sa announcement ng PEPSTER’S Choice Awards ng PEP noong Huwebes.

Sarah at Matteo nagpakilig sa paghahawak-kamay, sila nga!

Kinilig ako sa balita na hawak-kamay sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa birthday party nito.

Isa lang ang ibig sabihin ng pagdalo ni Sarah sa birthday party ni Matteo at ng paghahawak-kamay nila, nagkakamabutihan na sila as in may katotohanan ang mga balita tungkol sa kanilang dalawa.

Sana nga, boyfriend na ni Sarah si Matteo dahil may karapatan siya na lumigaya. Bagay na bagay sila dahil parehong wholesome ang kanilang image.

Husband material si Matteo at siya ang tipo ng manugang na magugustuhan ni Divine, ang madir ni Sarah na palaging may say sa love life ng kanyang anak.

Good catch si Matteo. Edukado siya at galing sa disenteng pamilya. Never siya na nasangkot sa mga katsipan na eskandalo. Wish ko lang, totoo ang mga tsismis na girlfriend na niya ang aking favorite singer-actress!

Pahulaan pa kasi kung may relasyon nga ang dalawa dahil hindi sila nagde-deny pero hindi rin umaamin.

May kasabihan na action speaks louder than words. Ang paghahawakan nila ng kamay ang clue na more than friends ang kanilang trato sa isa’t isa.

Ruffa hindi type na magpadalaw sa oras ng trabaho

Co-star ni Sarah Geromino si Ruffa Gutierrez sa pelikula na ginagawa nila sa Star Cinema. Tinanong ko si Ruffa tungkol kay Matteo pero wala siyang ma-contribute dahil hindi naman niya nakikita na dumadalaw sa set ang rumored boyfriend ni Sarah.

Wala ring mhin na bumibisita kay Ruffa sa shooting ng Star Cinema movie. Hindi type ni Ruffa ang magpadalaw dahil ayaw niya na naiistorbo ang kanyang work. 

Type ko ang attitude ni Ruffa dahil may panahon para dalawin siya sa bahay, hindi sa kanyang trabaho dahil masisira ang concentration niya sa pag-arte.

vuukle comment

ANG APRIL

ARDY ROBERTO

DAHIL

MATTEO

NIYA

PAPA CHIZ

RUFFA

SIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with