^

Pang Movies

Aktres na bida-kontrabida gustong kontratahin ng indie direktor

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - The Philippine Star

Gustong gawing bida ng isang indie film director ang isang mahusay na bida-kontrabida aktres na minsan na niyang nakatrabaho sa isang TV network. Pero titiyakin muna ni Direk kung totoong wala nang contract sa kanyang manager ang aktres tulad ng balita niya. 

Maganda ang role na ibibigay niya sa aktres at  tiyak niyang magugustuhan ito dahil maraming artistang babae ang gustong makaganap sa ganitong role. 

Kilala niyang professional ang actress kaya tiyak na hindi ito tatanggi kapag ini-offer na niya. 

Sa ngayon, binubuo muna ni direk ang ibang cast ng indie film na isu-shoot niya sa kanyang hometown in the South.

 

Edward hindi pa rin nalilimutan ang pag-arte

Nahingi na sa amin ang copy ng book ni Edward Mendez na The Making of Your Dream Body Come True. Si Edward mismo ang sumulat ng fitness book matapos ang ilang years na pagri-research at na-publish sa tulong na rin ng mga itinuturing niyang inspirasyon ng buhay niya, ang mag-inang Dr. Vicki Belo at Cristalle Belo-Henares, at ang Sexy Solutions by Belo. Nagpasalamat din si Edward kay Atom Henares at kina Quark at Cristalle na parang mga kapatid na ang turing sa kanya.

Sa fitness book, may mga tips si Edward kung paano magkaroon ng toned and fit body. At alam ba ninyong pwedeng magkaroon ng magandang katawan ang isang tao kahit five to six times siya kumain sa loob ng isang araw? Susundan lamang ninyo ang mga tips na ibinigay ni Edward.

Kahit magiging busy si Edward sa pagpu-promote at autograph signing niya ng fitness book, na available na ngayon sa National Book Store, Powerbook at Fully Booked, hindi pa rin niya malilimutan ang pag-aartista. Huli niyang ginawang movie ang Kung Fu Divas with AiAi delas Alas at Marian Rivera, at may mga TV guestings din siya.

 

Kapatid ni Coco mas guwapo

May younger brother pala si Coco Martin na susunod sa yapak niya, si Ron Martin, who’s only 19 years old.  Kasama si Ron sa Kasal, entry ni Direk Jay Altarejos sa Directos Showcase sa coming 10th Cinemalaya International Film Festival sa August, 2014. Hindi pa idinetalye ni direk Jay ang role ni Ron na sabi niya ay mas guwapo raw kay Coco. Mga bida sa Kasal sina Polo Ravales at Oliver Aquino na pinalitan na ang dati niyang screen name na Mycko to Oliver na iyon pala ang real name niya. Challenge kay Oliver ang beki role niya na first time niyang gagawin, pero willing daw siyang gawin kung ano ang ipagagawa sa kanya ni direk Jay.  Nag-audition pala siya at hindi siya makapaniwala na mapipili siya out of 600 applicants.

vuukle comment

ATOM HENARES

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

COCO MARTIN

CRISTALLE BELO-HENARES

DIRECTOS SHOWCASE

DIREK JAY ALTAREJOS

DR. VICKI BELO

DREAM BODY COME TRUE

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with