^

Pang Movies

Carla, humugot sa pagpapapayat!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carla, humugot sa pagpapapayat!
Carla Abellana
STAR/File

Ang mean ng ibang tao kay Carla Abellana, nag-repost lang ito ng reminder to love oneself more, ang dami ng dagdag na isyu na binuhay ng netizens. Mga isyu na walang kinalaman sa ni-repost na tungkol sa pagdagdag ng timbang.

Ang ganda na nga ng comment niya na “I also wish it didn’t have to be a requirement for us celebrities to be thin,” ang layo ng reaction ng iba.

May nagpaalala sa kanya na there was a time na feeling superior daw ang aktres kapag nako-call out. May nag-comment pa na feeling superior siya na hindi nagkakamali, kaya hindi raw siya relatable.

May sumingit pa na comment na bago siya mag-self love, dapat ma­ging malinis daw muna sa mga gamit na ibinebenta online. Remember, naging isyu ang bags and shoes na ibebenta niya online nang may mag-point out na sana nilinis muna ang mga gamit bago pinost.

Sinagot na niya ‘yun at matagal nang tapos ang isyu, bakit ibinalik na naman? May nagtanong tuloy kung bakit may hate comments sa kanya and her post na maganda naman ang mensahe.

Ang  daming naka-relate na celebrities and non-celebrities sa ni-repost niya, sila ‘yung nasasabihan ng “ang taba mo,” “tumaba ka” o “ang payat mo” kapag nakikita sa halip na kumustahin muna. Hindi alam ng mga nagko-comment na ito na stress ang ibinibigay nila sa pinagsasabihan, na i-stress silang magpapayat at magpataba dahil sa mean comment.

Anyway, kahit pala busy sa taping ng Widows’ War, gumagawa pa rin ng handcrafted soap si Carla na laging sold out kapag ibinebenta niya online. Hindi niya binabanggit kung magkano ang benta niya sa sabon, ang dami pa ring nag-o-oder.

Anak nina Jhong at Janella, nakapag-fly… na agad!

Ang cute ng mga anak nina Jhong Hilario at misis nito na si Sari at si Jude na anak nina Janella Salvador at Markus Paterson dahil kumakanta ng Fly Me To The Moon. Hindi pa sila ipinanganak at baka nga pati parents ng mga bagets na ito ay hindi pa ipinanganak nang sumikat ang nasabing kanta, pero alam nilang kantahin.

Si Sari nga, ni-record ang song at alam nito ang buong song. Naka-post sa Instagram ni Jhong ang video na may caption na “My First music video at two.” Na-feature pa sa isang YouTube channel ang bata.

Si Jude naman, hindi pa alam ang buong kanta at hirap pa sa words, pero alam ang kanta at version pa ni Frank Sinatra ang pinakikinggan habang nasa car sila ng mom niya. Kaya naman, napa-comment si Markus ng “Melts me every single time.”

Naalala rin naman ang anak ni Saab Magalona na si Vito na sa young age, nagda-drums na at favorite kantahin ang Beatles songs at alam yata nito ang the whole Beatles playlist.

Mapapatanong ka tuloy kung ano ang kinakain at iniinom ng mga bagets na ito at lumalabas na ang talents sa mga murang edad. Kapag nag-showbiz, hindi sila maaakusahang Nepo Baby o Nepotism Baby dahil may mga talent talaga.

Ex ni Dennis, nilantad na kulang ang natatanggap na child support!

Nag-react ang ex ni Dennis Padilla na si Linda Gorton sa interview ni Aster Amoyo kay Dennis. Ang haba ng reaction niya na bumalik na sa Australia kasama ang mga anak nila at nabanggit ang “First of all, consistency in child support wasn’t always the case.”

Pero, nabanggit na kulang talaga ang ipinapadalang child support nito sa kanilang mga anak. Lumiit pa nga ang value nang ipinapadala ni Dennis dahil mahal ang bilihin sa Australia kesa Pilipinas. Considering daw na walang tuition fee ang mga bata dahil sa public school pumapasok, pero kulang pa rin ang child support nito.

Kinailangan daw niyang magtrabaho at wala siyang katulong sa pag-aalaga sa tatlong anak nila. Binanggit din nito na hindi tungkol sa pera ang paghihiwalay nila, na-realize raw niya na pareho silang may mga bagong natutunan sa buhay.

Sabi pa nito, “I learned more about self-worth, patience, understanding, and to only speak the truth.”

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with