^

Pang Movies

Birthday ni Aljur lalayasan ni Kylie

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Dumalaw kami sa set ng Kambal Sirena sa Ocean Adventure kasama ang ilang entertainment press. Nadatnan namin sina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes na magkapareha sa fantaserye.

Sa isang pakikipagkuwentuhan sa aktor, inamin niyang kakaibang karakter ang ginagampanan niya bilang trainor ng mga dolphin.

Nakuwento rin niyang nahihilig siya ngayon sa pagbabasa ng Bible at sinabing kahit magkaiba ang relihiyon nila ng girlfriend na si Kylie Padilla (Islam) at siya naman bilang Born Again Christian na ay nagkakasundo naman sila. Katuwiran ni Aljur ay hindi naman nila iniengganyo ang bawat isa na sumanib sa kani-kanilang relihiyon. Ang mahalaga ay ang komunikasyon kay Lord, ayon pa sa aktor.

Aalis si Kylie sa March 14 papuntang Australia at magbabakasyon siya roon ng isang buwan. Kaya wala ito sa birthday ni Aljur sa March 24. Hindi naman niya pinigilan si Kylie dahil matagal na nitong plano ang makapiling ang kanyang ina at kapatid doon.

Winwyn dini-date ang ex

Hindi mahalaga kay Winwyn Marquez kung malinya siya sa character role bilang kontrabida na naman sa Kambal Sirena.

Noong una ay mabait ang karakter ni Wyn, in love sa kanya si Aljur, pero nabago nang umibig na ito kay Louise.

Hindi man natuloy ang pagsali ni Winwyn sa Bb. Pilipinas, dahil pakiramdam niya ay hindi pa siya handa, nangako naman ang tiyahin nitong si Melanie Marquez, isang beauty queen, na tutulungan siya ng tamang paglalakad sakaling mag-join na sa beauty contest.

Kumusta naman ang kanyang love life?

Nagkahiwalay sila ng dati niyang boyfriend pero binabalikan ang aktres kaya nasa dating stage na naman sila.

Nagsosolo siyang naninirahan sa dating bahay ng kanyang ina at ama sa Tahanan Village, Parañaque City. Si Alma Moreno naman ay sa Baclaran sa Parañaque rin naninirahan kasama ang mga kapatid niya, samantalang nakatira naman sa Alabang, Muntinlupa City ang kanyang daddy.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BORN AGAIN CHRISTIAN

KAMBAL SIRENA

KYLIE PADILLA

MELANIE MARQUEZ

MUNTINLUPA CITY

NAMAN

OCEAN ADVENTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with