^

Pang Movies

‘James walang effort makita si Bimby’ – Kris

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sinagot agad ni Kris Aquino ang sinabi ni James Yap sa interview ng cager kay Ginger Conejero na hindi raw niya nakikita ang kanyang anak na si James “Bimby” Aquino Yap, Jr.

“Sana nami-miss niya ako. Sa billboard ko lang siya nakikita eh, sa pelikula lang. So, hindi ko na alam kung gaano siya katangkad. Hopefully soon, makakasama ko ang anak ko,” say ni James na inere nung isang gabi sa TV Patrol.

Siyempre may pahaging na naman ito kay Kris and for sure ay iisipin na naman ng ibang tao na baka itinatago ng actress/TV host ang anak sa ama nito.

Good thing, kinunan agad ng TV Patrol ng reaksiyon si Kris sa sinabi ni James at sumagot naman ang Queen Of All Media.

Ayon kay Kris, si James daw ang hindi gu­magawa ng effort at wala raw dahilan, legal man o personal, para hadlangan niyang makipagkita ito sa anak.

 â€œJames just hasn’t exerted the effort. With all the blessings and success Bimby has received, I see no reason why my son shouldn’t reach out and help James celebrate his birthday on February 15. I asked Bimb if this was okay with him and he said yes. So it’s just up to James to make the effort,” paliwanag ni Kris.

Jennylyn namarkahan ng dikya sa kili-kili’t braso!

Hindi pa pala magaling up to now ang braso ni Jennylyn Mercado na na-sting ng jellyfish last week habang nagti-taping sila ng Rhodora X sa Subic, Zambales.

Kasama niya ang leading man na si Mark Herras nang maganap ang aksidente at sinagip siya ng aktor but, unfortunately, pag-ahon ni Jen ay nasa loob na pala ng damit niya ang dikya.

Nadikitan siya nito sa may kili-kili at hanggang ngayon ay may marka pa’t hindi pa nawawala.

Pinapa-treat na ni Jen ang kili-kili at brasong na-sting pero medyo matatagalan pa raw bago tuluyan itong mawala.

Say tuloy ng fans ni Jen, may marka na raw talaga ngayon ang aktres tulad ng role nito sa Rhodora X.

Sam hindi naiinip sa kahihintay ng big break

Ayon kay Sam Pinto, naghihintay lang daw siya na dumating ang kanyang big break sa showbiz at hindi naman siya naiinip dahil naghahanda pa rin naman daw siya para rito.

“I guess the right project will come at the right time,” say niya nang mainterbyu namin siya sa presscon ng MTV Pinoy, ang dating MTV channel kung saan isa siya sa mga VJ.

“Right now kasi I’m working on my acting, dancing, hosting, lahat na, para kapag nandiyan na ay ready na talaga ako.”

In the meantime na naghihintay siya ay busy naman siya sa Bubble Gang, Sunday All Stars, Vampire ang Daddy Ko, at ito ngang MTV Pinoy bilang isa sa mga video jockey (VJ) kasama sina Andre Paras, Yassi Pressman, and Josh Padilla.

Hindi nga raw niya akalaing mapipili siya para maging VJ sa MTV Pinoy gayung hindi naman daw siya host. Kaya nga todo-workshop ang ginagawa niya ngayon and sa tingin naman niya ay mag-e-enjoy siya.

Magsisimula na sa Feb. 14 ang MTV Pinoy.

 

vuukle comment

ANDRE PARAS

AQUINO YAP

AYON

BIMBY

NAMAN

PINOY

RHODORA X

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with