^

Pang Movies

Agot swak ang ugali kay Marian

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit mag-nanay sina Agot Isidro at Marian Rivera sa Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw), itinutu­ring palang younger sister ni Agot si Ma­rian. Kuwento ng mga taga-production, swak daw ang ugali ng dalawa at masaya sila lagi sa taping. Madalas daw may dalang food si Agot at ibinibigay kay Marian sabay sabing “kainin mo ito para naman mabawasan ang kaseksihan mo,” na sasagutin naman ni Marian ng “idol nga kita kasi mas seksi ka sa akin.”

Ka-share raw naman ni Marian si Agot sa paborito nilang kainin na jelly candy na baon lagi nito sa set. Iyon kaya ang diet food ni Marian?

Sayang nga at hindi personal na na-interview si Agot ng entertainment press dahil after the launch ng Carmela ay kailangan niyang umalis dahil may isa pa siyang commitment. Pero nalaman namin sa manager ni Agot na hindi ito nagdalawang-isip tanggapin ang role ni Amanda na kahit may anak na siya ay ni-rape pa at pagkatapos ay isinumpa sa kanilang lugar at pinahirapan siya ng kanyang mga kababayan pero sumumpa siyang babangon kahit sa anong paraan dahil gusto niyang mabawi at makasama ang naiwanang anak na si Carmela.

Sa direksiyon ni Dominic Zapanta, mamayang gabi na mapapanood ang simula ng Carmela, pagkatapos ng Adarna, at unang mapapanood ang mga eksena nina Agot, Ricky Davao (Danilo) na pipi at bingi niyang asawa, at si Roi Vinzon (Fer­nando) na humalay sa kanya.

Janno na-realize na sayang ang opportunities

Kasabay ng medyo pagkawala sa circulation ni Janno Gibbs for two years, nawalan din pala siya ng ganang mag-compose ng songs. ’Buti at na-realize niyang sayang ang opportunities na dumarating sa kanya dahil hindi siya pinabayaan ng GMA Network at ng kanyang PPL Entertainment. 

Last year, nagkasunud-sunod na ang projects niya, una sa Pyra at naging regular judge sa isang show, na hindi siya nag-absent ever since nagsimula ang Sunday All Stars. Nang mapanood nga niya ang kalunus-lunos na pinagdaanan ng Leyte dahil sa Yolanda, muli siyang nakapag-compose ng song, ang Bangon Kaibigan na hanggang sa ngayon ay dina-download pa sa iTunes. 

Sa bago niyang drama series na Paraiso Ko’y Ikaw, hindi raw siya hiningian pero nag-volunteer siyang mag-compose ng theme song of the same title at siya pa ang kumanta, saka niya ini-offer sa production.

Biro kay Janno, libre ba ang theme song? Of course hindi raw, binayaran siya bukod sa TF niya sa soap na dinidirek ni Bb. Joyce Bernal na mapapanood na mamaya bago ang 24 Oras.

 

vuukle comment

AGOT

AGOT ISIDRO

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

BANGON KAIBIGAN

CARMELA

DOMINIC ZAPANTA

JANNO

JANNO GIBBS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with