^

Pang Movies

Jericho tinutuhog lahat ng trabaho bago pakasal

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bago ikasal sa Mayo sa kanyang fiancée na si Kim Jones, sasagad-sagarin muna ni Jericho Rosales ang pagtatrabaho. May movie siyang ipalalabas sa Feb. 19, ang ABNKKBSNPLAKO (Aba, Nakakabasa Na Pala Ako?!) with Andi Eigenmann, may teleserye siya sa ABS-CBN na magsisimula na ang airing ngayong Monday (Jan. 27), ang The Legal Wife kasama naman sina Angel Locsin, Maja Salvador, and JC de Vera at may Malaysian drama series din siya.

Kaya nga sobrang hectic daw ng schedule niya ngayon dahil two weeks, dito siya sa Pilipinas para mag-taping ng Legal Wife at two weeks namang straight siya sa Malaysia para naman mag-taping ng kanyang drama series doon na ieere sa Mayo.

As we all know, sikat na sikat si Echo sa Malaysia dahil na rin sa nag-hit nang husto roon ang serye nila ni Kristine Hermosa noon na Pangako sa ‘Yo and since then, talagang iniidolo na siya ng mga tao roon.

Sa Malaysian series ay ginagampanan daw niya ang role na chef at may taping pa raw sila sa Austra­lia. In between tapings ng mga serye niya ay inaasikaso pa nila ang preparations sa kanilang kasal. He makes it a point na maging hands-on sa preparations kahit na ba may wedding planner din sila.

Handang-handa na nga raw siya na maging husband at sobrang excited.

“We’re both very excited. We’re counting the days,” say niya.

When asked kung ready na rin sila na magkaroon ng baby, say ni Echo ay wala pa raw ito sa plano ngayon.

“We’re not into that stage yet. We’re not planning it muna. Gusto muna naming ma-enjoy ang isa’t isa. Maybe just a couple of years,” he said.

Kung sakali, mga 3 daw ang gusto niyang maging anak nila ni Kim.

Show nila Angel punung-puno ng sampalan

Tiniyak nina direk Rory Quintos at Dado Lumibao na punung-puno ng mga aral para sa pamilyang Pilipino ang mapapanood ng primetime viewers sa pinakabago nilang serye sa ABS-CBN na The Legal Wife na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Jericho Rosales, Maja Salvador and JC de Vera.

Ayon sa kanila, bukod sa mga malulutong na sampalan at maiinit na komprontasyon, tiyak na tatatak sa mga manonood ang pangunahing mensahe ng serye tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya.

Samantala, ayon naman kina Angel, Maja, JC, at Echo, ma­ging sila mismo ay maraming natuklasan sa kanilang mga sarili dahil sa istorya ng The Legal Wife.

Para kay Echo, ang kwento ng The Legal Wife ay magsisilbing isang magandang eye-opener para sa mga Pilipino.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANGEL LOCSIN

DADO LUMIBAO

JERICHO ROSALES

KIM JONES

KRISTINE HERMOSA

LEGAL WIFE

MAJA SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with