^

Pang Movies

Bela walang special treatment sa BF

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ginampanan ni Bela Padilla ang karakter ng isang journalist sa pelikulang 10,000 Hours. Idolo niya si Kara David kaya ginaya raw niya ang mga ginagawa nito.

Twenty two years pa lang si Bela at 32 naman ang nobyo niyang si Neil Arce na producer ng pelikulang kasali sa papalapit na filmfest. Kahit BF niya ito, wala raw special treatment na ibinigay sa kanya ang produ. Pantay-pantay lang sila ng mga kasamahang artista. Higit sa lahat, magkasundo sila dahil hindi seloso si Neil.

Magkasama sina Bela at Robin Padilla sa pelikula kaya binibigyan siya ng pointers ng action star, na kanyang tito sa totoong buhay, gaya ng tamang paghawak ng baril. Hindi rin niya nakakalimutan ang payo nito sa kanya na maging dedicated sa trabaho bilang isang artista.

Hanga ito sa kasipagan ni Binoe lalo na sa pagwo-workout.

“Kahit sobrang lamig sa Amsterdam, Netherlands ay nagdya-jogging ito ng four o’clock (morning). Ako naman sumasakit ang tuhod ko sa sobrang lamig kaya ’di ako makatakbo,” ani Bela.

Tanong namin kay Bela, kumusta naman si Mariel Rodriguez? Magkasundo ba kayo?

Anang aktres, “Oo, she’s bubbly at nakakahawa ang pagiging masayahin niya. Magkasundo kami ni Mariel.”

Gumawa ng TV show sa Singapore si Bela kaya napahinga sa paggawa ng teleserye sa GMA 7.

 

Laura, Wyn, at Joyce naging super close

Sa pagtatapos ng Dormitoryo sa linggong ito ay hindi pa rin matatapos ang kaabang-abang na mga eksenang ikagugulat ng mga manonood.

Sa Dormitoryo ay patuloy pa rin ang pananakot at paghihiganti ni Joyce Ching kina Lauren Young at Wynwin Marquez.

Nalulungkot ang buong cast dahil para silang isang buong pamilya at mami-miss nila ang isa’t isa. Inamin nina Joyce, Ruru Madrid, Wyn, at higit sa lahat ni Lauren, na malaki ang natutunan nila sa suspense-thriller na teleserye dahil nahasa sila sa pag-arte sa kanilang director na si June Lana.

Sa pagtatapos ng Dormitoryo ay magsisimula naman ang bonding at mabuting pagkakaibigan ng young cast.

vuukle comment

BELA PADILLA

DORMITORYO

JOYCE CHING

JUNE LANA

KAHIT

KARA DAVID

LAUREN YOUNG

MAGKASUNDO

MARIEL RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with