^

Pang Movies

Laos na singer naghahanap ng trabaho para mabawi ang ipinamasahe galing Amerika

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagmamaasim ang isang female singer nang mag-guest ito sa isang celebrity talk show. Ang emote niya ay wala raw nakakaalam na nandito siya sa Pilipinas kaya wala siyang guestings. Pakiramdam niya ay hindi na siya feel kunin ng mga show dahil parati siyang nasa ibang bansa.

Pero tsika ng isang talent coordinator (TC) sa amin ay nagpapatulong ang female singer na ihanap siya ng guestings. Sayang naman daw ang pinamasahe niya pauwi ng Pilipinas kung hindi niya mababawi ito through guestings sa TV o mga show.

Ang problema kasi kay female singer noong kasikatan niya ay masyado siyang maarte at mahirap kunin as guest kahit na may talent fee. Inaalam pa muna kung sino ang makakasama niyang guest stars.

“Masyadong umakyat sa ulo niya ang kasikatan noon. At saka may amnesia ang bruhang ‘yan. Kausap mo siya ng ilang oras one day pero the next day kapag nagkita kayo, parang ‘di na niya kilala,”  imporma ng kausap naming TC. “Ni hindi ka nga niya ngingitian at tagus-tagusan ang tingin sa iyo. So, sinong mawiwili na kunin siya kung ganyan ang ugali niya?”

Ang mahal pa raw ng ta­lent fee nito kapag mag-guest sa isang show. Feeling daw ng singer na ito ay in demand siya. Hindi niya alam na wala na ngang nakakaalala sa kanya dahil lumipas na ang galing niya at marami ng bago sa showbiz ngayon.

“Hello, kapag ang topic lang ay blast from the past sila kailangan. Huwag na siyang mag-feeling na puwede pa sila sa TF na malaki. Honorarium na lang sila,” talak ng TC.

Siguro nga dahil sa pangit na ugali ng female singer kaya hindi na siya memorable. Sumikat nga siya noon pero hindi naging maganda ang relasyon niya sa ibang tao, lalo na sa mga maliliit na tao ng showbiz.

“That’s what they get sa pagiging mayabang noon. Dati laging bukambibig ng babaeng ‘yan na magma-migrate na raw sa US at ayaw na niya ng local showbiz. O, eh bakit nandito siya? Kung maningil akala mo hinahanap-hanap siya,” gigil na sabi pa ng mataray na TC. 

Bandang Simple Plan nag-donate rin ng $10K sa ‘Pinas

Patuloy ang pagbuhos ng tulong sa Pilipinas mula sa foreign celebrities, kabilang na rito ang mga nag-perform na sa Pilipinas para sa kanilang Pinoy fans.

Kabilang na ang French-Cana­dian pop-punk band na Simple Plan na ilang beses nang nag-perform sa ating bansa. Sa kanilang huling concert tour, nagbigay sila ng special donation of $10,000 to the Canadian Red Cross para maipadala sa mga naging biktima ng Typhoon Yolanda.

“To all our Filipino fans and friends that are dealing with this disastrous situation, we are sending you all of our love and our best wishes of hope, courage, and strength in these difficult times.”

Samantala, ang American Idol runner-up na si Jessica Sanchez ay ang-organzie ng isang video online concert at Stageit.com noong nakaraang Biyernes.

Isang online venue ang Stageit.com na nagpe-perform ng live ang mga artist interactively. Mapapanood sila directly ng kanilang fans sa kanilang laptop, tablets, or smart phones.

Angelina naalala ang bilin ng namatay na ina nang tumanggap ng humanitarian award sa OscarS

Binigyan ang Hollywood actress and Aca­demy award-winning actress na si Angelina Jolie ng humanitarian award na Jean Hersholt Humanita­rian Award mula sa Oscars dahil sa kanyang work in helping refugees and advocationg human rights through her film career.

Ibinigay ang award na ito kay Angelina sa annual Governors Awards ng AMPAS o Academy of Motion Picture Arts and Sciences nung Nov. 16.

Ang 38-year-old actress ay isang special envoy sa United Nations High Commissioner for Refugees at nakagawa na ng higit na 40 field missions kasama na roon ang tumulong sa mga refugee na tumakas sa giyera sa Syria.

Nang tanggapin ni Angelina ang naturang award mula kay director George Lucas, naalala ng aktres ang kanyang sumakabilang-buhay na ina. Ito raw ang naghikayat sa kanya “to live of use to others.” Matagal nga raw bago naintindihan ng aktres ang ibig sabihin ng kanyang late mother.

Ang mga past winner ng naturang humanita­rian award ay sina Oprah Winfrey, Elizabeth Taylor, Paul Newman, Angela Lansbury, at Steve Martin.

vuukle comment

ACADEMY OF MOTION PICTURE ARTS AND SCIENCES

AMERICAN IDOL

ANGELA LANSBURY

ANGELINA JOLIE

AWARD

NIYA

PILIPINAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with