^

Pang Movies

Mga Pinoy naloko sa ‘pagkahuli’ kay Jinggoy sa Amerika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nag-react si Senador Jinggoy Estrada roon sa tsismis na nahuli siya sa US dahil nagpasok siya ng malaking halaga ng pera. Palagay namin hindi lang nila nabasa nang buo ang istorya eh. Iyon ay nagmula sa isang website na ang istorya ay puro kalokohan lamang, at inaamin naman nila iyon.

Sa kuwento, nagduda raw ang customs officials dahil may nakitang nakabukol sa dibdib ni Jinggoy. Noon daw alisin ang shirt niya, nagtaka sila dahil may nakaumbok na mukhang hindi naman muscles, kaya nilaslas nila ang dibdib noon at doon nga raw sa loob ng katawan niya nakita ang pera.

Una, sino ba namang sira ang tuktok na ipapaopera pa ang katawan niya para magtago ng pera?

Ikalawa, ‘di nabasa iyong pera at nalusaw iyon dahil nasa loob daw ng katawan. Sa kuwento pa lang kalokohan na eh, mayroon namang naniwala agad at inilagay sa Facebook kaya kumalat.

Kung minsan ang mga Pinoy talaga mada­ling maniwala.

Pamilya ni James Yap walang problema sa mamanugangin

Talagang obvious na kasundo nga ng pamilya ni James Yap ang kanyang girlfriend na si Michaela Cazzola. Nitong nakaraang long weekend, isinama pa ni James ang kanyang girlfriend sa Escalante, Negros Occidental, kung saan naroroon ang kanyang pamilya at kung saan siya talaga nagmula.

Palagay namin, hindi iyon gagawin ni James kung hindi kasundo ni Michaela ang kanyang pa­mil­ya, o kung ayaw ng kanyang pamilya doon. Palagay din naman namin, hindi gagawin iyon ni James kung si Michaela iyong taong mahirap pakibagayan.

Matutuwa ka eh, dahil may mga postings pa sila sa kanilang social networking account na nagpahilot pa si Michaela sa isang kilalang manghihilot doon. Aba iyong ibang tao hindi basta magpapahilot kung hindi niya kilala, at saka iyang mga foreigners, hindi iyan naniniwala sa hilot. Iba’t iba ang pamamaraan eh, iba ang kanilang klase ng physical therapy kaysa sa ginagawa ng mga manghihilot dito sa atin. Pero iyan ay katunayan lang na si Michaela ay nakahandang su­bukan kung anong buhay at paniniwala ang nakagisnan ni James.

Ang ganyang klase ng relasyon ang talagang mag­tatagal. Kasi naroroon iyong pagbibigayan. Na­roroon iyong pag-intindi sa buhay ng isa’t isa.

Kung magiging magsyota nga kayo tapos ang tingin naman ng isa ay property lamang niya ang kanyang kasama sa halip na isang partner, aba eh hindi nga sila tatagal.

Kaya tama ang sinasabi ni James eh. Iyang kasal, nandiyan lang iyan. Ang kailangan ay masiguro muna nila na in love sila talaga sa isa’t isa, at kung magkakasundo na sila habang buhay. Nadala na kasi si James doon sa mga kasal na madalian at biglaan lang.

Aktres na sikat sa ibang bansa nakakatawa

Ito pa ang isang kuwentong nakakatawa. Sikat na sikat daw pala ang isang female star sa isang bansa sa Asya at doon daw sinasabing siya ang isa sa pinaka sikat. Nagkagulo nga raw ang mga fans nang dumating siya. Ang tanong, kung sikat siya roon, bakit hindi na lang siya roon kaysa dito sa Pilipinas.

vuukle comment

JAMES

JAMES YAP

KUNG

MICHAELA

MICHAELA CAZZOLA

NEGROS OCCIDENTAL

PALAGAY

SENADOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with