^

Pang Movies

Jake muntik mapuruhan sa bangin!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Naaksidente pala kamakailan si Jake Vargas. Muntikan na silang mahulog sa bangin sa may bandang Dinalupihan, Pampanga na papunta sana siya sa taping ng Maynila.

Pero nanggaling muna sila sa isang eskuwelahan sa may San Fernando at may pinuntahan silang mall show. Madulas daw kasi ang daan kaya ilang beses silang nagpaikut-ikot sa kalsada sa sinasakyan nilang Starex. Mabuti na lang at naikabig pa ng kanyang personal assistant at driver na si Kuya Noli ang manibela kaya hindi sila tuluyang nahulog.

Si Jake lang ang napuruhan na nagkaroon ng malaking bukol sa ulo. Ang iba niyang kasama ay hindi naman masyadong nasaktan. Nablangko raw ang aktor na akala niya ay katapusan na nila sa naganap na aksidente.

Balak niyang ipagbili na lang daw ang Starex dahil sa nasirang bahagi at mas malaki pa raw ang gagastusin kesa sa ipagawa ito dahil pati raw ’yung body ng sasakyan ay malaki rin ang damage.

Magsi-set na lang uli ng bagong schedule para sa episode niya sa palabas na Maynila ng GMA 7.

Jasmine takot kontrahin si Anne

Aminado si Jasmine Curtis Smith na kung hindi dahil sa connections ng kanyang Ate Anne Curtis sa showbiz ay hindi rin agad siya makikilala.

Pinakamalaking bonus sa kanya na agad siyang nanalo ng best supporting actress sa indie film na Transit na kahit daw siya ay hindi makapaniwala sa magandang kapalaran ngayon at umaasang makakarampa sa Oscars next year.

Kaya thankful siya kay Anne dahil sa magaganda niyang exposure dahil sa kapatid. Kaya behaved siya at laging nakikinig sa advice ng kanyang sister. Ayaw daw niyang maging sakit ng ulo ng kanyang pretty ate na maganda ang image in and out of showbiz at ayaw niyang sirain ito.

Hindi rin siya pinapakialaman pagdating sa kanyang love life. Supportive pa rin si Anne sa kanya na ang bilin ay hinay-hinay lang at laging i-balance ang kanyang priorities. Kaya wala siyang sinasayang na oras sa kanyang pag-aaral o sa career. Thankful daw siya sa social media na hindi man sila magkita every day ni Sam Concepcion ay one tweet, text, or call away lang sila at puwede na nilang ma-reach out ang isa’t isa.

Jean taga-tikim ng pastries na niluluto ni Jennica

Nakapag-shooting na si Jean Garcia nung Biyer­nes sa Quiapo, Manila para sa palabas na Adarna na pagbibidahan ni Kylie Padilla. Ito ang unang primetime show na bida ang anak ni Robin Padilla sa Kapuso Network.

Hindi naman apektado ang everyday na Love Line show ni Jean dahil tuwing MWF lang ang kanyang taping na gaganap siya bilang Inang Adarna ni Kylie.

Mabuti na lang daw at busy siya sa trabaho or else tataba siya sa mga patikim na pastries ng anak niyang si Jennica Garcia na gawa nito. Naka-enroll kasi ngayon si Jennica sa Asian Culinary Arts na enjoy sa mga ginagawa niyang cakes, pandesal, cookies, at iba’t iba pang sweets at ang taga-sample ay ang kanyang mommy.

 

vuukle comment

ASIAN CULINARY ARTS

ATE ANNE CURTIS

INANG ADARNA

JAKE VARGAS

JASMINE CURTIS SMITH

KANYANG

KAYA

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with