^

Pang Movies

Martin pumayat sa Indian food

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Maraming nakapansin sa pagpayat ng katawan ni Martin Escudero  na bagay sa kanya lalo sa palabas niyang Positive sa TV5.

Katuwiran ni Martin, hindi naman daw siya nagbawas ng timbang. Siguro ay dahil nung nag-stay daw sila sa bansang India ay hindi siya nakakain nang husto. Puro maaanghang daw ang pagkain doon kaya hindi niya na-enjoy ang mga food na ibinigay sa kanila

In fairness sa cast at production team ng Positive, talagang informative at interesting ito na patikim pa lang nila ang ipinakita nung Sabado ng gabi sa TV5.

Lahat ng cast ay emosyonal at mararamdaman ng TV viewers ang mga takot, lungkot, at epekto sa kanila mismo ng sakit tulad ng mga gumanap na sina Bing Loyzaga, Bianca Manalo, at Felix Roco lalo na nang makaharap na nila ang taong totoong positibo sa sakit na HIV at AIDS.

Kahit si Direk Eric Quizon ay na-challenge kung paano niya ipapakita ang journey hindi lamang ng mga taong may sakit kundi maging ang drama at galit ng kanilang pamilya at kung paano ito tanggapin ng society.

Sana ma-promote pa ng TV5 ang maganda nilang advocacy para nga naman mabuksan ang mga isipan at damdamin ng viewers sa isang reyalidad na madalas ay isinasantabi ng lipunan.

Edward mahilig sa boots at hiphop

Nasa TV5 din pala si Edward Mendez na kasama sa cast ng For Love or Money ng Kapatid Network na thankful dahil hanggang ngayon ay palabas pa rin ang pelikula nina Marian Rivera at AiAi delas Alas na Kung Fu Divas na meron siyang magandang exposure sa nasabing movie.

 Kaya overwhelmed daw siya na makasama ang dalawang bida kaya naambunan siya ng blessings at napansin siya dahil sa kanilang comedy film.

Hanggang ngayon ay napapailing na lang daw siya kapag may tumatawag pa rin sa kanya ng “big bird,” ang bansag ni AiAi. Iniisip na lang daw niyang compliment ito mula sa komedyante. 

Samantala, nagko-collect pala siya ng shoes pero mas marami ang boots na nakasiksik sa kanyang cabinet. Mahilig din daw siya sa mga hiphop pero huwag na lang daw siyang pakantahin dahil pang-shower lang ang boses ng 6’1” na actor-model.

vuukle comment

BIANCA MANALO

BING LOYZAGA

DAW

DIREK ERIC QUIZON

EDWARD MENDEZ

FELIX ROCO

FOR LOVE

KAPATID NETWORK

KUNG FU DIVAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with