^

Pang Movies

Derek plantsado na ang mga pagdadalhan kay Cristine mula Halloween hanggang World Cup 2014

SO CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakahanda na ang mga bakasyon na pagsasamahan ng magdyowang sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Mag-i-spend daw sila ng Halloween sa Hong Kong, magpa-Pasko sa Palawan, at lilipad pa-Brazil para manood ng World Cup sa 2014.

Pero hindi lang naman silang dalawa lang ang nasa bakasyon kundi kasama ang ibang kaibigan nila.

“So, it’s already all planned. One big group. Her friends, my friends. They all get along,” say pa ni Derek.

“I’m very, very happy. It’s the first time I have a strong relationship with a strong foundation.”

Naging opisyal ang relasyon nina Derek at Cristine noong nakaraang Aug. 28. Simula no’n ay napuno na ang Instagram account ni Derek ng kanilang mga litrato ng actress girlfriend na sweet sila sa isa’t isa. Pati nga ang kanilang halikan ay hindi nahihiyang nai-post ni Derek.

Balita pa ngang niregaluhan daw ng TV5 hunk actor si Cristine ng brand new Range Rover. Pero mabilis na itinanggi ito ng aktor.

“No, that’s not true. She just asked for advice dahil alam niyang mahilig ako sa cars. Pero hindi naman niya sinunod advice ko. But that’s a characteristic of Cristine that I like,” paghanga pa ni Derek sa GF.

Nag-iba ang career sa Malaysia Krista Kleiner nagtu-tour na kasama ang int’l singers

Nagkaroon na ng katuparan ang hangad ni Krista Kleiner o mas kilala ngayon bilang Krista K na makahilera ang mga sikat at mga kilalang musical artist sa buong mundo. Naimbitahan kasi ang beauty queen turned singer para sa 1 World Music Festival na gaganapin sa Singapore sa Sept. 20 at 21.

Ito ang sinasabing pinakamalaking music festival sa Asia dahil kasabay nito ay ang Formula One Race weekend sa Singapore. Magpe-perform sa isang 30-minute set si Krista sa main stage ng Singapore’s Marina Barrage on Sept. 21.

Kabilang sa musical artist lineup sina Moby, Snoop Dogg, Far East Movement, Iggy Azalea, Infected Mushroom, Orbital, the Cataracs, Cobra Starship, Black Eyed Peas member Taboo, at R&B singer Craig David.

“To think I only started singing two years ago. It just goes to show that hard work and commitment really pay off.

“I’ve never been happier in any other field of work and I look forward to rocking out with Singapore and all the upcoming stops on my regional tour,” masayang balita ni Krista.

Kasalukuyan pang nagtu-tour si Krista at kelan lang ay nakita siyang nag-perform sa WeLoveAsia Festival kasama ang Cuban-American rap sensation na si PitBull.

Naka-base ngayon sa Malaysia si Krista at may pinaplano silang malaking show dito sa Manila bilang pagtatapos ng kanyang tour.

“I hope to wrap up my tour with a final show in Manila to show my gratitude to the country that gave me a start in the entertainment industry five years ago,” sabi pa ng dating Kapuso talent.

“Even though I’m no longer living in the Philippines, the country and my fellow Filipinos will always be close to my heart.”

 Singer na si John Legend ikinasal na sa model na apat na beses lang naka-date!

Ikinasal na ang Grammy Award-winning R&B singer na si John Legend sa Sports Illustrated cover girl Chrissy Teigen sa Italy last Sept. 14. Ginanap ang kanilang intimate wedding sa isang lavish estate sa Lake Como.

Suot ni Teigen ang isang Vera Wang wedding gown na binili niya noong mag-attend siya ng New Fashion Week.

“Every time I went in to Vera Wang for a fitting, I couldn’t stop getting one. It’s just too pretty,” bilib na sabi pa ng model.

Naging engaged ang dalawa noong 2011 pagkatapos nilang mag-date ng apat na beses lamang.

Naging maayos naman para sa kasal nila ni John dahil ipinamahala nila sa kanilang wedding planner ang lahat. Ang ginawa na lang nila ay dumating sa venue at nagpakasal.

 

vuukle comment

BLACK EYED PEAS

CHRISSY TEIGEN

CRISTINE

DEREK

JOHN LEGEND

KRISTA

KRISTA KLEINER

PERO

VERA WANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with