^

Pang Movies

Bimby may share na datung sa pelikula nila ni Ryza

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinadama ni Kris Aquino ang pagmamahal kay Mother Lily Monteverde dahil kahit ma­tindi ang habagat na dala ng bagyong Maring last Monday night, pumunta siya sa birthday dinner ng Regal Entertainment, Inc. producer sa Gloria Maris sa Greenhills, San Juan City kasama ang anak na si Bimby, Ate Balsy, at pamangkin na si Jiggy.

As we all know, mula nang i-launch ni Mother si Kris sa pelikulang Pido Dida, the rest is history sa showbiz career ni Kris na bukod sa pagiging magaling na TV host ay isa na ring film producer.

Pansit nga lang ang kinain ni Kris sa handa dahil kailangan niyang i-maintain ang kanyang weight dahil sa bago niyang endorsement na isu-shoot next week. Tiis-tiis muna siya sa juice na kabilin-bilinan ng manager niyang si Boy Abunda.

Sa Sept. 8 pa naman kasi ang first shooting day ng filmfest entry ng movie nila ni Vic Sotto na first movie rin ni Bimby at kapareha niya si Ryzza Mae Dizon. Hindi rin alam ng ina kung first and last movie ng anak ang movie. Pero banggit niya, hindi lang siya ang may investment sa movie kundi maging si Bimby, huh!

At six years old, matangkad ang dating ni Bimby. Chicken nga lang ang gusto nitong kainin kaya ang paglalaro ng iPad ang ginawa habang nagtsitsikahan ang nasa kasama sa table. Pero kapag may ipinakikilalang tao si Kris, attentive naman siya at nagha-hi.

Pag-amin ni Kris, “Matipid nga lang ngumiti ang anak ko. Hahaha!”

Pero tuwang-tuwa si Kris nang mapangiti ang anak nang magpa-picture sa kanya ang isa sa guests, huh!

Bibida si Bimby sa festival movie nila ng ina. Siya ang My Little Bossing kaya naman ang gusto raw ni Direk Marlon Rivera, hindi muna sila pagsasamahin ni Ryzza Mae sa mga unang eksena. Pero si Kris, tuwing may bagong idea, tawag agad siya kay Direk Marlon upang sabihin ito.

Of course, gaya ng ibang film producers, nananalangin siyang kumita sa takilya ang unang venture nilang mag-ina sa film production. Magkakaroon pa raw sila ng meeting at alam niyang ’yun ang araw ng bigayan ng sosyo.

‘Yun nga lang, mas feel ni Kris ang kontratang pinirmahan niya sa pakikipagsosyo dahil mas malaki ang posibleng return on investment nilang mag-ina.

Dahil sa pagragasa ng Maring Miss World Philippines inabot ng kantiyaw sa rami ng kapalpakan, premiere night ng Henya hindi itinuloy

Inabot ng kantiyaw si Arnold Vegafria na producer ng nakaraang 2013 Miss World Philippines na ipinalabas last Sunday sa GMA. Naging biktima raw kasi sila ng habagat ni Maring na tumodo ang buhos last Sunday kaya ’yung nakunang video na ilalabas sa TV, motor na ang ginamit upang makarating sa Channel 7.

Halos hindi matuloy ang pagkain ni Arnold dahil sa paninisi sa kapalpakang nangyari sa show. Pati ang pagpapakita ng audience ay sinita.

“Last minute na binawal na kunan ang audience dahil casino players ang iba. Anong magagawa ko?” rason ni Arnold.

Sa totoo lang, hindi lang ang Miss World ang apektado sa habagat na dala ng bagyo. Kahapon, Martes, kinansela ng Viva Films ang premiere night ng Ang Huling Henya ni Rufa Mae Quinto na magsisimulang ipalabas ngayong araw sa mga sinehan. Patuloy na nanawagan si Laguna Gov. ER Ejercito ng tulong dahil lubog na sa baha ang malalaking bayan na nasasakupan lalo na ‘yung malapit sa Laguna Lake.

Hay, habagat, lumayo ka na’t istorbo ka sa trabaho!

 

vuukle comment

ANG HULING HENYA

ARNOLD VEGAFRIA

ATE BALSY

BIMBY

BOY ABUNDA

DAHIL

DIREK MARLON

KRIS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with