^

Pang Movies

Juan ni Coco hanggang October na lang pero gagawan ng pelikula

- Vinia Vivar - Pang-masa

 We learned na magtatapos na sa October ang Juan dela Cruz at pagkatapos nito ay pahinga muna si Coco and next year ang movie version naman ng nasabing serye ang kanyang gagawin.

Magka-love team biglang magkaaway na pagkatapos ng kanilang teleserye

Nagdedmahan sa isang birthday party ang da­ting magka-love team sa isang serye at natsismis na nagkaroon ng relasyon.

Ipinagtaka ng mga nakakita ang pagdededmahan ng dalawa dahil wala namang napapabalitang pag-aaway nila o hindi magandang nangyari sa pagitan nila.

Noong may teleserye silang dalawa ay maingay na maingay ang pagkakaroon nila ng relasyon pero namatay din ito nang matapos ang serye at magkaroon na ulit sila ng panibagong proyekto na iba na ang katambal.

Pero kung bakit parang magkaaway sila nga­yon, ’yun ang malaking kuwestiyon. Hinala namin, nagkaroon ng selosan sa pagitan nila dahil pareho silang nali-link na sa ibang artista.

Ryan may ibubuga sa pagsayaw

Magaling naman palang magsayaw si Ryan Agoncillo. First time naming napanood ang TV host-actor in a dance number last Sunday night sa grand finals ng Talentadong Pinoy: The Battle Royale held at the Cuneta Astrodome sa Pasay City and in fairness kay Ryan, panalo. Nag-appear din with him ang panganay nilang anak ni Judy Ann Santos na si Yohan at may talent din ang bagets.

Matatandaang ipinangako talaga ni Ryan noon pa na sasayaw siya sa grand finals ng Talentadong Pinoy.

Habang nasa stage ang mag-ama ay panay naman ang kuha ni Juday ng larawan na nasa panel of judges dahil isa siya sa judges that night. Larawan naman siya ng isang proud wife and mom dahil talaga namang nagsisigawan ang mga tao sa production number.    

Nang hingan nga ng komento si Juday after the dance number, say niya sa asawa, “Humanda ka mamaya.” Tawanan tuloy.

Anyway, last Sunday ay hinirang na ang last winner ng Talentadong Pinoy at ito ay walang iba kundi si Spyro Marco na nagpakita ng galing sa Chinese Yo-yo.

Tinalo ni Spyro ang iba pang Hall of Famers na sina Sor Apao, the Power Belter; illusionist JB de la Cruz or Laserman; soulful singer Rina Forbes; contortionist Larvae; hip-hop dance troupe Nocturnal; and WCOPA (World Championship of Performing Arts) champ Haina Udin.

By the way, during commercial breaks ay may girl na laging kausap si Edu Manzano na nakaupo lang sa may likod niya. We learned later na ang girl na ito ang girlfriend ng TV host/actor. A source said, mataas ang posisyon ng girl sa TV5 at one year na ang kanilang relasyon. Ito raw ang pinalit ni Doods kay Pinky Webb.

vuukle comment

BATTLE ROYALE

CHINESE YO

CRUZ

CUNETA ASTRODOME

EDU MANZANO

HAINA UDIN

HALL OF FAMERS

RYAN

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with